3 It started with a cringe

3K 69 16
                                    

Arjo POV

Mabilis na nalukot ang mukha ko at napaikot ako palabas ng mansyon ng makita ang mga bisita na kasama sa hapunan nang gabing iyon.

Si Andy at ang lolo niyang si Ferdinand Escobar ang nakaupo sa harap ng hapag kainan at nakikipagkwentuhan kila mama at papa. Ferdinand Escobar looks like a strict military man with his bushy white eyebrows that matches his bushy white mustache and a deceeding hair on his head. He has this authoritative presence with scrutinizing eyes that always makes me nervous.  I knew the old man doesn't like me so I am baffled as to why he wants me to be his grandson-in-law.

Dati ay pinapalagpas ko lang ang mga mapangkutyang tingin ng matanda pero ngayon ay naguguluhan ako kung bakit ipapakasal pa niya sa akin ang apo niya kung halata naman na ayaw niya sa akin. Kung ayaw sa akin ng matandang Escobar eh mas lalo namang ayaw ko sa apo niyang tibo. Noon ngang ituro sa akin ng kuya ko na si Andrea ang babaeng napili nila mama at papa para pakasalan ko ay hindi na muli ako sumasama o kumakain basta alam kong bisita ang mga Escobar. Kahit sa mga social gatherings at parties ng pamilya ay madalang ko na din siputin at dahil lahat ng iyon sa babaeng prenteng nakaupo sa harap ng hapag kainan.

Hindi pa alam nila mama at papa na alam ko na, na si Andrea ang napipisil nilang mapakasalan ko. Kaya naman todo iwas ako na maging topic kami. Iwas na iwas ako kay Andrea dahil sa sinabi ni Natasha, ang asawa ng kuya ko, na lesbian si Andrea. Parang isang malakas na tadyak iyon sa pagkalalaki ko. Payag na sana ako noong una eh pero ng malaman kong lesbian ang babae ay nagbago ang isip ko. Allergic na nga yata ako kay Andrea at ayoko siyang nakikita man lang. Sino bang hindi?! Ako na mahilig sa sèx ay ipapakasal nila sa isang lesbyana hindi ko masesèx?! Ikakasal ako sa babaeng hindi ko man lang magagalaw?! Makakasal ako sa taong pareho ko na mahilig sa babae?!

Oh c'mon! Anong klaseng buhay iyon?! Nakikini-kinita ko pa lang ang hinaharap ko ay gusto ko ng magpakalayo layo at magtago. Para na rin nilang pinutol ang malaki kong pagkalalaki kapag ipapakasal nila ako kay Andrea. Dahil paniguradong mabubulok iyon sa pantalon ko kapag siya ang nakatuluyan ko.

At napagtanto ko na kaya pala noong unang ipinakilala siya sa akin ni Kuya Lemuel at halikan ko ang kamay niya ay parang nandiri sa akin ang dalaga. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon niya. At ngayon na alam ko ng hindi kami talo, magpapakalayo-layo na ako kay Andrea. Pagtataguan ko na siya. 'Delaying tactics' and 'Dodge the bullet' ang strategy ko and I'm trying to master those two moves.

Malapit na sana ako palabas ng gate ng may biglang umakbay sa akin, umangkla ang braso niya sa leeg ko para hindi ko matanggal. Napasimangot ako sa ngiting-ngiti na si Kuya Lemuel kasama si Nat na kadarating lang din. Kasabay din nila ang pinsan kong si Ethan at ang asawa niyang si Cass. Napangiwi na ako.

"Arjo, tatakas ka nanaman ba?! Hindi ka na namin nakakasabay kumain ah! C'mon bro! Tara sa loob!" Ani Kuya Lemuel sa akin habang hinigpitan ang hawak sa leeg ko na animo'y gusto niyang sakalin iyon.

"Teka! May ano...may kukunin lang ako sa kotse ko!" Palusot ko habang pilit inaalis ang braso ni Kuya Lemuel na nakapalupot ng mahigpit sa leeg ko.

"Mamaya na iyon! Tatakas ka nanaman eh! Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo!" Natatawang ani ni Kuya Lemuel habang hatak hatak pa din ako sa leeg. Rinig ko ang mga tawanan nilang lahat.

Ang kinasadlakan kong kapalaran ngayon ay hindi biro, kung para sa kanila ay nakakatawa, pero para sa akin... katapusan ko na!

My Lesbian LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon