Chapter 3: Hello

11 0 0
                                    

  Sinamahan ako ni kuya Carlo sa Principal's office. Nasa second floor pala ito. Malapit sa isang room na mukhang room ng mga freshmen. Maliliit pa kasi mga estudyante nandoon eh. Pinaalis ko si kuya kasi nag bell na baka ma late siya sa 1rst subject niya. Pagpasok ko sa Office. Akala ko babae principal nila dito lalaki pala. Pero...may pusong babae siya. His named is Principal Mario. Yan daw tawag nila sa kanya. Ayaw daw niya may tumawag sa apelyido niya. Kasi apelyido lang naman niya eh Balak. 

Nakakadiri daw pakinggan. 

"Kung meron kang gusto itanong about sa school you can ask me. I'll be in my office all the time." 

"Ok po." 

"Matanong lang, bakit ka lumipat dito? Diba taga Pink Institute ka?" Pink Institute kasi tawag sa school namin. School for girls nga diba. So Pink. 

"Para maiba lang po." 

"Ahh ganun ba. Akala ko ayaw mo na doon dahil walang boys..." tumawa rin siya. Nakitawa nalang rin ako. 

"This is your room. You can get inside now." 

"Thank you po." 

"You're welcome. I have to go." umalis na siya. tumingin ako sa pinto. May nakalagay doon IV- 1. 

"1? Bakit hindi A?" tinignan ko rin ang paligid. 

"Wala man lang kakulay-kulay ang mga rooms." siguro wala silang budget para doon. Pero kahit na diba? University rin naman ito. Public nga lang. Tumingin ako sa glass na nasa door. Meron ng teacher ang nagsasalita sa gitna. Napatingin yung mga estudyante sa akin. Umiwas ako ng tingin. 

Bigla bumukas ang pinto. 

"Yes anong maiilingkod ko sa'yo?" 

"Good morining po Sir. I'm Miss Salvador the new student po in this class." 

"Ohh... ikaw pala yung bagong santa. Come in. Come in." pumasok ako. Come in daw eh. Nagtinginan lahat sa akin. Tinignan ko rin sila. Nagbabakasali nandito rin si Sky.

Pero wala siya dito. 

"Class meron tayong bagong kaklase. Galing siya sa Pink Institute tama ba ako Miss Salvador?" 

"Yes Sir." 

"Please introduce yourself." gulp. Ang daming mata na nasa akin. Nakaka frustrate naman. 

*blag...* may humihingal sa pinto. Napatingin silang lahat doon kaya tinignan ko rin. 

0___0 

"Sorry sir I'm late." ngiti pa niya matapos sa paghihingal niya. 0__0 stunned. na stunned ako. 

Hindi ako nanaginip right?! Siya itong nakikita ko! Si SKY!!!!

"Tsk. Tsk. Don't do it again Mr. Ramirez. Please take your sit." nilagpasan niya ako at pumunta sa upuan niya. Ewan ko ba at sumunod rin ako sa kanya... Narinig ko nalang ang tawa ng nandito sa amin. 

"Miss Salvador... wag ka munang umupo. Hindi mo pa pinakilala iyong sarili." bumalik ako sa kinatayuan ko kanina. Hayyy... Wala na yung tawa nila. Tinignan ko siya. 

>_> siya <_< ako... 

"Hi." sabay ngiti. Tumingin siya sa kaliwa at kanan niya. Tumawa ulit ang klase. 

"Class quiet. Continue Miss Salvador." ang hilig naman nilang tumawa. Nakakatawa ba yun? Hinga ng malalim. 

"Hello everyone. I'm Ajacent D. Salvador. 16 of age. Born on the 11th day of August year of 1998. My parents are Amy and Vincent Salvador. My brother is Carlo V. Dee..." 

Beautiful PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon