Ilang araw na rin ako dito sa school. Marami na rin akong kilala. Kahapon nga eh exam namin, napagalitan pa ako ng Math teacher namin kasi natulog ako. Sinabi ko namang tapos ko ng sagutin ang exam eh, ayaw pa na niwala kaya tignan yung exam paper ko. At alam ko namang nagulat siya na natapos ko agad in just 30 minutes. Kita kasi sa expression niya.
Si Kuya Carlos hindi pa rin sumasabay sa akin sa pagpunta ng school, sa breaktime... Minsan ko na lang siya nakakasama eh. Lagi namang sinabi niya may ginagawa siya.
Napapaisip tuloy ako kung anong ginagawa niya.
"Di kaya kasali siya sa isang gang?" si kuya Carlos isang gangster? ... Ang pangit!! Hindi bagay sa kanya. At tsaka imposible mangyari yun takot ata yun mamatay eh :D
"Oyy Ajacent. Saan ka pupunta?" si Drey. Tinignan ko siya. Yung tinging nakakapagtaka.
"Anong tinawag mo sa akin?"
"Ajacent." 0__0
"May sakit ka ba? Ikaw ba talaga si Drey? Ba't ngayon tinatawag mo na ako sa pangalan ko?" nakakapagtaka naman. Umiling siya.
"Wala akong sakit. At tsaka ako toh nuh! Yun naman talaga pangalan mo diba? Masama bang tawagin kita sa pangalan mo?"
"Hindi naman. Simula ng araw ko dito Sisa na tawag mo sa akin. Nagtataka lang ako sayo ngayon." ngumiti siya. At inakbayan ako. Tinignan ko lang siya.
"Wag ka ng magtaka. Dahil simula ngayon, tatawagin na kita sa pangalan mo. Ajacent? Friends naman rin tayo diba." tumango ako. Siya lang naman itong laging nakikialam sa akin eh. So siguro friends nga kami.
"So Ajacent, saan ka nga pupunta?"
"Aja nalang. Pupunta akong cafeteria." breaktime naman eh. Tsaka nagugutom rin ako. Nandito pa kami sa room huh. At nasa labas sina Neo at Ben. May pinag-uusapan sila.
Si Neo... ilang araw na kaming classmates pero wala pa rin akong alam about sa buhay niya. Alam ko lang lagi siyang top dito sa school. Ramirez ang apelyido niya. Pero sa ibang bagay, wala na akong alam. Tulad ng anong hilig niya kainin? Anong talent niya? Saan siya nakatira? May kapatid ba siya? Mga ganung bagay...
"Hoy! Oh ano?" binalikan ko si Drey ng tingin.
"Anong ano?"
"Hay. Sabi ko papunta rin naman kami doon kaya mabuti pang sumama ka nalang sa amin. Sabay tayong apat kumain." sabay kaming kumain? Makakatabi ko si Neo? ^_^ ito na guro ang chance ko para makausap ko siya ulit. Tanungin siya sa gusto kong itanong sa kanya. Tumango ako.
Nandito na kami sa Cafeteria. Naka order na rin kami. Nandito nga si Neo pero unfortunately hindi ko siya katabi. Itong si Drey ang katabi ko. At hindi ko gusto ang way niya sa pagkain. Napaka-- indecent. Parang atat na atat siya kumain.
"Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya.
"Ngayon ko lang na realize ang takaw mo palang kumain nuh?" tapos tumawa sila Neo at Ben sa sinabi ko. Si Drey naman umiwas lang ng tingin sa akin. Pero medyo di na niya binilisan ang pagkain sa burger at fries niya.
"Ganyan talaga si Drey kumain. Masanay kana Aja." -Ben. Sabay tawa. Tinignan ko siya at nakataas ang kilay.
"Pati ikaw tinatawag mo na akong Aja?"
"Bakit ayaw mo?" -Ben.
"Hindi naman sa ayaw. Nakakapanibago lang sa akin na may tumatawag sa pangalan ko na kaklase ko. Kasi sila Mama at Kuya lang tumatawag sa akin niyan eh."
"Ganun ba. Masanay ka na. Dahil Aja na itatawag namin sayo."-Ben sabay taas-baba ng kilay niya. Napangiti ako. Iba sa feeling... Ngayon lang ako tinatawag na Aja ng ibang tao. Sisa kasi na pangalan ko since birth ata.