Wala palang pasok ngayong araw... I mean walang classes. Kasi ngayong araw pala yung pagbubukas ng lahat ng club. May journalism club. May Science club. May sports club. My music club. Meron ding Volunteers club. Bago sa akin itong club na ito. Sabi nila ang sasali sa club na ito ay mag vo-volunteer sa kahit anong gawin ng school. Mga events or what not.
"Aja. Anong sasalihan mo?" -Ben. Kasama ko pa nga pala silang tatlo. Ben, Drey at si Neo. Napaliwanag ko naman sa kanila kahapon kung bakit hindi na ako bumalik sa cafeteria. Sinabi kong may nagpatulong sa akin na isang guro.
"Journalism club. Gusto ko kasi yung photography eh."
"Talaga? Mahilig ka pala dun." ngumiti lang ako. Nasa likod lang namin sina Drey at Neo.
"Sakto pala. Sa journalism club rin si Neo. Isa siya sa mga writer ng School papers namin."
"Talaga?" napangiti ako. Hindi ko naman alam na sa journalism club sumali si Neo.
"Natutuwa." umiling lang ako. Obvious na nga sinasabi pa.
"Ikaw? Saang club ka sumali?"
"Sa volunteers club ako." ahh...
"Si Drey? Saan siya sumali?"
"Hindi mo ma guess saan siya sumali?"
"Well, kitang-kita naman katangkaran niya. Siguro sa sports club siya sumali. Basketball specifically."
"Yup. Doon nga siya sumali." smiled. Nahulaan ko! Pwede na akong manghuhula! hehe
"Oy! Anong pinag-uusapan niyo huh? Ba't parang ang saya-saya niyo?" -Drey. Sabay akbay sa aming dalawa ni Ben.
"Nag-uusap lang kami tungkol sa mga club na sinalihan nating tatlo." -Ben. Tumango-tango ako.
"Okay. Anong sasalihan mo naman Aja?"
"Journalism club." tumawa at pumalakpak si Drey. Mongoloid talaga tong taong toh.
"Magkasama pala kayong dalawa Neo! Crush na crush mo talaga si Neo nuh? Hahaha. Doon ka pa sa club na sinalihan niya." umiwas ako ng tingin kay Drey. Hindi ko naman sinasadya yun ang pinili kong club. I love photography!! T.T Hindi dahil nandoon si Neo! Pero pwede na rin
"Tumigil ka na nga diyan Drey." -awat sa kanya ni Ben. Tumigil naman siya sa kakatawa.
"Halika na. Mabuti pang pumunta na tayo sa club natin. Para may maitulong tayo." -Ben. Inakbayan niya si Drey. At hinawakan pa sa braso. Tapos kinaladkad na. Walang magawa si Drey kundi sumunod nalang kay Ben.
"Kaw na bahala kay Aja, Neo! Kitakits nalang!" -sigaw ni Ben.
Nag si-sink in pa sa isip ko..... Kami nalang pala ni Neo ang nandito. Gulp.
"Let's go." siya. Tumango lang ako. At sumunod lang ako sa kanya. Ang tahimik naming dalawa. Ngayon lang kasi kaming magkasama na kami lang dalawa. Kaya naninibago lang ako.
"Ba't sa journalism club gusto mo sumali?" tanong niya.
"Hindi dahil nandoon ka huh kaya doon rin ako sasali. I just love photography." gulp. Kinakausap ko siya na hindi tumitingin sa kanya. It might sound rude but hindi ko kayang tignan siya. Si Drey kasi eh!
"Ahh... wag mo nalang pansinin ang pang-aasar ni Drey sayo. Ganun lang talaga yun." tumango ako. Slowly nasasanay na rin ako kay Drey. Sila lang namang tatlo sumasama at kumakausap sa akin eh. Silang tatlo lang ang naituring kong kaibigan dito.
Dumaan sa amin si Alvin. Napatingin ako sa kanya. Parang baliwala lang sa kanya yung nangyari kahapon. Ok na kaya siya? Si Amy... wala siya ngayon. Ok rin kaya siya? Hayy... ang gulo nilang dalawa!