"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" hindi ko maiwasan di sumigaw sa kilig. Eh kasi naman yung nangyari kanina... Hayy.
~Flashback
Tinignan ko siya. Kaharap ko na siya ngayon.
"Bakit?" ngumiti siya. *^_^* Oh please wag kang ngumiti.
"Neo nga pala. Nagpakilala sila sayo so might as well magpakilala rin ako." *Firework*
Walang firework talaga. Imagination ko lang yun.
"Neo pala name mo." nag smile siya. Wooohh... gwapo talaga niya.
"Wag masyadong ngumanga baka pasukan ng langaw." -Drey. Panira talaga ng moment!
Matapos nun pumunta na ako ng comfort room.
~ ~ ~
Ngayon nandito na ako sa bahay, kinikilig talaga ako kapag naiisip ko yung nangyari kanina. Kinagat ko yung unan ko.
"Alam ko na name niya!! Ehhh!!!"
"Hey Aja nakita mo ba phone ko?" bigla-bigla nalang pumasok si kuya.
"Nilagay mo lang yun kanina sa bulsa mo Kuya. Doon mo naman nilalagay yun." nakahiga pa rin ako hindi siya tinignan. Nakatitig lang ako sa ceiling.
Oh Neo... tunog Romeo! ^_^ Ikaw Romeo ko at ako ang Juliet mo!!
"Oh sige." lumabas na siya. Umupo ako.
"Lately panay sa phone si kuya. Ano kaya pinag-aabalahan nun sa phone niya." football game kaya?
"Oh well. Its none of my business. Makatulog na nga at papanaginipin ko pa Romeo ko!" :D humiga na ako uli. Yakap-yakap ang special unan ko.
>Kinabukasan.
Hindi kami sabay pumunta ng school ni kuya. Nauna na siya sa akin. Sabi ni mama meron lang daw siyang kukunin sa bahay ng kaklase niya kaya di siya makakasabay sa akin.
Paakyat na ako ng may tumawag sa akin..
"Sisa!!" nilingon ko. Yung Amy girl pala. Lumapit siya sa akin.
"Sabay na ta'yo umakyat. Halika na." umakyat na siya. Sabi niya sabay kami? Ba't nauuna siya? Hayy..
Nung padaan kami sa Room IV-2. Room nila kuya napansin kong panay tingin si Amy sa loob ng room.
"Sino hinahanap mo?"
"Ah. Wala. Hehe. Diba dito class ng kuya mo? Si Carlo?.."
"Oo. Diyan nga. Teka... si kuya ba hinahanap mo?" napalaki yung mata niya at kinakaway yung dalawang kamay niya.
"Hindi. Hindi ko siya hinahanap. Ibang tao ang hinahanap ko." mahina niyang sinabi yung huling sinabi niya pero narinig ko yun.
"Crush mo siguro hinahanap mo dito noh?" tumawa siya.
"Hindi noh! Tara na nga..." umuna na siyang lumakad at parang nagmamadali pa.
"Ang obvious naman niya." tumingin ako sa room. Sino naman kayang lalaki nagustuhan niya dito?
"Oy Sisa! Halika na dito!" tawag niya. Ang hilig talaga niyang sumigaw. Lumakad na ako.
Syempre nasa dulo pa rin ako nakaupo. Walang katabi. Sabay pumasok sina Neo at Drey. Binati ako ni Drey ng good morning. Si Neo nginitian lang ako.
Yumuko ako. Nagkukunwari may sinusulat.
"Hindi ba hindi mo na siya crush? Diba taken na siya? Kaya tumigil ka na." bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko sila.