"Sino kayo?! pakawalan niyo 'ko dito!"
Nakagat niya ang ibabang labi, wala siyang magawa para tulungan ang lalaking nakatali sa silyang kahoy. Nakapiring ang mga mata nito. Puno ng pasa at may malaking sugat ito sa tagiliran. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nitong kasalanan para magalit ang tito Abner niya ng ganon. Naawang nakatitig siya dito, hindi lang naman ito ang unang beses na nakikita niyang may pinahihirapang tauhan ang kanyang tito Abner. Pero labis siyang naaawa sa magiging kalagayan ng bagong dating ngayon.
"Patahimikin mo nga 'yan gagong 'yan Ading!"
Nagulat siya sa sigaw na 'yon ng kanyang tito Abner mula sa labas.. Walang emosyon ang mukhang nilapitan niya ang lalaki.
"Kung ako sayo tatahimik na lang ako kaysa masaktan pa 'ko." Sabi niya dito. Natigilan ito.
"Who the hell are you?! pakawalan niyo 'ko dito ! kapag ako nakawala dito papatayin ko kayong lahat!" Sigaw nito bumuga na lang siya ng hangin saka akmang lalabas ng kwarto nang mahagip ng mata niya ang isang wallet sa mesa sa gilid, sa tabi non ay mga kutsilyo at ibat-ibang klaseng lason. Cyanide, arsenic, botulism, lahat nandon. Alam niyang gagamitin ng tito niya ang lahat nang 'yon para makaganti. Kinuha niya ang wallet, bumungad sakanya ang litrato ng lalaking kinuha ng kanyang tito Abner. Kinuha niya 'yon pati na rin ang i.d nito.
"Sebastian D. Arragon, 18 years old. November, 5." Basa niya sa nakasulat, sumilay ang ngiti niya sa labi niya.
"Scorpio ka pala, hindi tayo compatible. Pero interesting." Bulong niya saka niya binalingan ang binata. Tinignan niya kung nandiyan pa ang kanyang tito Abner sa labas, nang makita niyang wala ito ay pinatay niya ang ilaw at nilapitan ang lalaking nakaupo. Pumuntay siya sa mukha nito, unti-unti niyang kinalag ang tali sa kamay nito.
"What the--"
"Sshh, wag kang maingay, gusto mo pang mabuhay diba? umalis kana." Putol niya sa sasabihin nito, tinanggal niya ang piring nito. Madilim kaya hindi siya nito nakikita. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa isang siwang na maliit na tinatakpan lang ng sirang yero.
"Sino ka?" Tanong nito.
"Gemini." Sabi niya saka ngumiti ng matamis.
"Gemini?" Takang tanong nito, tinulak niya ito palabas.
"Kung gusto mo pang mabuhay 'wag na 'wag kang lilingon. May dahilan siguro ang tito ko kaya niya 'yon nagawa sayo." Sabi niya dito.
"But- - - -
"Wag ka ng magtanong, alis na bago pa siya bumalik pumunta ka sa likod ng truck na makikita mo sa dadaanan mo , sa kaibigan ko 'yon ako na ang bahalang magsabi sakanya." Sabi niya, naaaninag niyang tumatakbo na ito palayo. Mula sa liwanag ng buwan nakikita niyang lumilingon lingon pa ito sa direksyon niya. At do'n niya nakita ang buong mukha nito. Alam niyang hindi niya malilimutan ang mukhang 'yon. Tinabi niya ang i.d at litrato nito sa bulsa ng suot niyang lumang pantalon saka bumalik sa upuan nito, dumapa siya sa sahig at saka pumikit.
She smiled, alam niyang makikita niya pa ito..
SAMPUNG TAON na ang nakalipas nang matapos ang trahedya na 'yon. Para kay Sebastian ay nakapagkit pa rin 'yon sa utak niya. Muling namuo ang galit sa dibdib niya sa mga taong nagtanim ng takot sa puso niya. Pumikit siya ng mariin para alisin sa utak ang ala-alang 'yon na muli na namang lumitaw sa balintataw niya ngayong nakabalik na siya sa sariling bansa.
"Sir nakahanda na ho ang kotse."
Walang emosyon na nilingon niya ang driver nila, tinapon niya sa gilid ang natitira pang sigarilyo saka naglakad papunta sa kinapaparadahan ng kadarating lang na kotse. Pinagbuksan niya ang sarili ng pinto saka pumasok. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayong nakauwi na siya ng bansa. Naisipan ng mga magulang niya na dalhin siya sa ibang bansa pagkatapos ng trahedyang 'yon. Ilang buwan ang lumipas bago niya ma-recover ang takot, naging magagalitin na siya. Konting mali sa paligid ay pinupuna niya. Tumingin siya sa labas ng bintana, nakita niya ang ilang kabataang naglalaro. Hindi na siya ang binatang ginagawang positibo ang lahat ng bagay sa paligid niya. Natatakot siyang muling maramdaman ang takot na 'yon sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Dark Society 1- Sebastian Arragon
General FictionSYNOPSIS Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera a...