Chapter three

1.9K 50 0
                                    

"HEY lady with the nice ass.."

Natigilan si Adriana sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya.

Loko 'yon ha?!!

Unti-unti niya itong nilingon. Nakita niya ang malawak na ngisi nito.

"Ang bastos nito ha." Bulong niya , nakita niya ang pagtaas lalo ng sulok ng labi nito na parang nang-aasar talaga. Kuyom ang kamaong lalapit sana siya dito ng makita niya si Espen.

Naku naman nalintikan na!

Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa likod nong manyak na lalaki at nagtago sa likod nito. Matangkad naman ito at isa pa patakbo naman si Espen sa kaliwang daan kaya hindi siya nito makikita kapag nagtago siya sa likod ng matangkad na lalaking ito.

"Huwag mo 'kong ituturo kung ayaw mong masaktan ka!" banta niya dito, ngumisi lang ito.

"Sure."

Lumingon-lingon si Espen at tatakbo sana sa kaliwang pasilyo.

"Hey man are you looking for someone?" Sabi nung mayabang.

Anak nang!!

Lumingon si Espen sa direksyon nila.

"Bwisit." Bulong niya.

"Eto siya oh, nagtatago sa likod ko." Sabi pa nito. Nakagat niya ang ibabang labi at unti-unting lumabas mula  sa pinagkakataguan. Kita  niya ang galit sa mga mata ni Espen, nilapitan siya nito.

"Ikaw babae ka! magbabayad ka na nga lang ng utang tinatakbuhan mo pa 'ko." Galit na sabi nito, napayuko siya. Binulungan siya nito.

"Pag hindi mo binigay ang mga epektos sakin bukas patay ka sakin tandaan mo 'yan, alam mo ang gulong pinasok mo kaya alam mo rin ang gulong kalalabasan mo dahil sa ginawa mo." Makahulugang banta nito saka tumingin sa bandang likuran niya.

"Salamat pare." Paalam nito saka siya nito tinalikuran. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaking 'yon sa likod niya

"Hey lady ano- - - -AW WHAT THE HELL!!" Sigaw nito. Sinalubong niya kasi ito ng suntok sa mata , natatawang tumakbo siya palayo. Hawak nito ang mata.

"Tsismoso!" Natatawang sigaw niya, nang makalayo na siya ay saglit siyang huminto at nilingon ang direksyon ng lalaking 'yon.

"Sabi ko na nga ba eh magkikita pa rin tayo."

------------***


"AW! aray masakit abuela!"

Panay ang piksi niya sa tuwing idadampi ng kanyang lola ang telang may yelo sa mata niyang may pasa.

Patay talaga sakin ang babaeng 'yon pag nakita ko siya!

"Kasi naman iho ano bang ginawa mo sakanya hindi ka naman niya sasaktan kung wala kang ginawa.."

"Tinuro ko lang naman siya sa naghahanap sakanya ha? masama ba 'yon?" Naiinis na tanong niya. Tumingin siya sa salamin , lalong tumindi ang galit niya ng makita niya ang kulay violet sa palibot ng mata niya.

"Patay ka talaga saking babae ka."

Pero hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin. Maliban na lamang kung makita niya uli ito?

Unti-unting sumilay ang ngisi niya sa ideyang gagawin kung sakaling makita niya muli ito.

"Oh ano na namang binabalak mong bata ka?" Narinig niyang sabi ng abuela. Natatawang umiling lang siya.

Dark Society 1- Sebastian ArragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon