"ADING tawag ka ni tito Abner."
Natigil siya sa pagliligpit ng mga gamit sa panghuhula at nilingon si Sen-sen. Ano na naman bang kailangan ng tito Abner sakanya?
"Sige susunod na lang ako, kumpleto ba silang lahat?" Tanong niya. Tumango naman si Sen-sen. Tumango-tango siya at saka tinabi niya sa ilalim ng mesa niyang maliit ang mga gamit niya.
Kung may pagkakataon lang sana siya para kumalas ginawa na niya. Pero huli na ang lahat dahil hindi niya na pwedeng iwanan ang tahanang kumupkop sakanya at nagpaaral. Huminga siya ng malalim at pumasok sa kwarto, naririnig niyang umuubo ang kanyang nanay. Lumapit siya dito at hinimas ang likod nito.
"Ma, aalis muna ako ngayon ha? saglit lang ako promise." Nakangiting sabi niya dito, umuubong tinignan siya ng kanyang nanay.
"Pinatatawag ka na naman ba niya?"
Tumango siya. Nakita niyang ngumiti ng mapait ito.
"Kung may magagawa lang sana ako hindi mo na sana kailang- - - -
"Sshh quiet na ma' okay lang ako ha?" Malambing na sabi niya at niyakap ito. Payat at halos naririnig niya na ang malakas na pagtibok ng puso nito, kahit mahirapan siya gagawin niya ang lahat para gumaling si ina. Kumalas siya at tinitigan ito.
"Wow ma' nagkakalaman kana!" Natutuwang sabi niya sa ina. Sumimangot naman ito at pabirong kinurot siya sa tagiliran.
"Ikaw bata ka, manang-mana ka sa ama mo bolero."
Ngumiti siya at niyakap ang braso nito, naramdaman niya ang kapayatan nito maging ang kulubot nitong balat. Napapikit siya ng mariin, iniisip niya kung ano ba ang maari niyang gawin para makaalis sila sa lugar na 'yon. Gusto niyang ipagamot ang ina, ang ipon niya ay kasya lang sa baon ng pamangkin na si Denny. Wala rin naman siyang ibang pagkukuhanan ng ibang mapagkakakitaan. Ang benta niya sa pagtitinda ng mga sampaguit, panghuhula at iba pang raket niya ay kulang pa rin. Pasalamat na nga lang siya at may sarili silang bahay kaya hindi na siya mahihirapan sa pagbabayad.
"Oh anak pumunta kana kay Abner at baka ikaw ang malintikan." Narinig niyang sabi ng ina. Umayos siya ng upo at nilingon ito.
"Matulog kana ma' ha? tatawagin ko na lang si Denny para may makasama ka dito." Sabi niya. Tumango lang ito at nahiga sa banig. Inayos niya muna ang kumot nito sa katawan saka tumalikod. Maliit lang ang tinitirhan nila, bukod don ay marami pang butas sa paligid. Wala rin naman siyang dapat ikatakot sa magnanakaw dahil wala namang makikita ito doon. Inayos niya muna ang pagkakapusod ng buhok saka dumeretso sa labas ng bahay. Hindi makita ng paningin niya ang pamangkin.
"Sara!" Tinawag niya ang kaibigan ng pamangkin. Lumingon ito sakanya, mabilis nitong iniwan ang nilalarong manika nang makita siya. Tumakbo ito papalapit sakanya.
"Bakit po ate Ading?"
"Pakitawag na lang si Denny ha? sabihin mo umalis kamo si ate Ading walang kasama si mama sa loob." Bilin niya dito. Tumango naman ito.
"Sige po, mamaya po ate Ading 'yong choco-choco namin ha?"
Natatawang ginulo niya ang buhok nito.
"Sige mamaya dadalhan ko kayo." Nakangiting sabi niya. Pumalakpak naman ito saka tumalikod at tinawag ang pamangkin. Naiiling na tumalikod na siya at tinungo ang makitid na eskinita. Nakita niya ang mga tambay na nandon na abala na sa pagsusugal. Hindi niya pinansin ang mga pagsitsit ng mga ito. Tatlong kanto ang nilagpasan niya bago niya narating ang pakay. Napatingin siya sa isang lumang gusali, huminga muna siya ng malalim saka pumasok sa loob. Sa bungad pa lang ay naririnig na niya ang malakas na boses ng tito Abner. Hind niya ito kadugo, 'yun lang ang tawag nilang lahat dito. Pagpasok niya sa isang kwarto nakita niya ang mga nakatayong kabataan sa harap nito. Panay ang lakad nito sa harap ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Dark Society 1- Sebastian Arragon
General FictionSYNOPSIS Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera a...