GREAT! ba't ko ba nasabi 'yon?! ako magbibitaw ng pera para sa babae? huh! babae ang lumalapit sakin at kahit walang kapalit okay lang.
Tahimik lang siya sa buong biyahe habang iniisip ang katangahang sinabi kanina lang. O kung katangahan nga ba.
"Gusto ko ng salad." Naalala niyang bulong nito
Gusto daw niya ng salad edi bumili siya!
Napapailing na pumasok siya sa club ni Grey. Hindi ordinaryo ang club na 'yon, Nasa underground ang club ng pinsan niya na kung tawagin ay Dark Underground Society, lahat nang masasabing kasamaan nasa club na 'yon and that club is his comfort zone.
"Hey jigga." Bati ng nakasalubong niya don. lahat nang nandon ay puro milagro ang mga ginagawa. The light is red , nagkalat ang mga epektos at maraming babae. Nakita niyang nasa gilid ang mga kaibigan, lumapit siya sa mga ito.
"Bwisit kakarmahin ka din! putulan ka sana ng ama mo!" Sigaw nang babaeng naabutan niya don, that woman is pretty pero halata sa panunuot nito na mahirap lang ito. Lihim siyang nagulat nang bigla nitong sampalin si Grey, ngayon lang may gumawa sa pinsan niya nang bagay na 'yon at sa isang babae pa! Nagmamartsang lumabas ang babae. Lumapit naman siya kay Grey.
"Hey, bakit pababayaan mong umalis 'yon? At isa pa pano niya nalaman dito?" Tanong niya dito. Hinimas nito ang pisnging niya.
"That woman ! Ayoko talaga don, ang sama ng ugali kung makautos!" Naiinis na sabi nito, umiling lang siya.
"May salad kaba diyan?" Natanong niya dito.
"Ano namang gagawin mo don ha?" Takang tanong nito, umupo siya sa silyang nandon. Inabutan niya ni Clifford ng cocaine pero tinanggihan niya 'yon.
"Woaahh anong sumapi sayo ha ? " Natatawang sabi ni Clifford na halatang lutang na.
"I'm just tired okay? So, where's the salad?" Tanong niya. Umiling lang si Clifford.
"Sa ref kumuha ka na lang." Sabi naman ni Grey.
"No , gusto ko malinis ang mga kasama ng salad na 'yon." Sabi niya pa.
"Oh i smell something, nahuhulog kana ba?" Wala sa tamang katinuan na sabat naman ni Delifico, tumalim ang tingin nito sakanya.
"Mind your own business" Malamig na sabi niya, natatawang umalis naman ito.
"Nandon sa taas , puro gulay ang mga kasama non don't worry." sabi ni Clifford na nakangiti. Tumango siya saka tumayo.
"Hey insan." Tawag sakanya ni Grey. Pailalim niya itong tinignan.
"Are you falling inlove?" Halatang nang aasar na sabi nito, nakangising kinuha niya ang cellphone sa likod ng bulsa ng pantalon saka may tinawagan.
"Hello SPO1 Deltan. The club Dark Society has cocaine and using an illegal drugs in the underground. Bilisan niyo ang pagresponde." Pagkatapos non ay umalis na siya.
"What the---Sebastian!"
Napangisi siya nang marinig niya ang sigaw na 'yon. Kinuha niya muna ang salad na sinasabi ni Grey saka siya tumungo sa parking lot. Pagpasok niya sa loob ng kotse ay napatingin siya sa hawak.
"Kakainin ko 'to no ano siya sini-swerte?"
Then he started the engine and drove fast as fast as he can. He broke the laws and didn't care for everything well, except his parents, his mother taught him how to be a good boy and respect others. Palaging nandiyan ang kanyang ama. Maayos naman ang kanyang buhay pero nagbago ang lahat nang 'yon dahil sa nangyari sakanya. Sa puntong 'yon don niya naisip na maging matapang at walang takot na harapin ang nasa paligid niya.
Nang makarating na siya ng hospital ay huminga muna siya ng malalim sa isiping makikita na naman niya ang babaeng 'yon. Naiiling na bumaba siya ng sasakyan saka naglakad papasok sa hospital.
"Sir, hindi na po pwedeng pumasok." Sabi nung security guard. Tinignan niya ang suot niyang relo pati na rin ang plastic na hawak.
"Gusto ko ng salad." Biglang umalingawngaw 'yon sa tenga niya. Tumingin siya sa guard saka ngumisi.
"Okay." Tumalikod siya at saka nagtungo sa gilid ng hospital. Kinuha niya ang isang maliit na bolang itim sa bulsa at tinapon 'yon sa kabilang bahagi ng hospital. He started to count from one to ten then booom! gumawa ng ingay ang binato niyang 'yon kasing lakas ng tunog ng granada. Malakas na pagsabog lang ang kaya nong gawin pero hindi 'yon nakakasira ng mga gamit, his cousin romeo invented that small thing pang frank lang. Nakita niyang tumakbo palabas 'yong security guard, tahimik na pumasok siya sa loob. Pagdating niya sa room ng babaeng 'yon ay nakita niyang malalim na ang tulog nito
"Hindi niya ata narinig 'yon." Sabi niya habang nakatingin sa mukha nito. She's innocent but a fighter woman. Hindi magpapatalo. Nilapag niya ang plastic sa mesa at umupo sa tabi nito. Inayos niya ang kumot nito. Hindi niya alam kung anong sumapi sakanya at nagugustuhan niyang titigan ang mukha nito. Wala namang special sa mukha nito maliban sa masarap itong titigan. Naiiling na umupo siya sa upuang nandon at saka tumingala.
"You're in troubled man." He said then look at her again.
BINABASA MO ANG
Dark Society 1- Sebastian Arragon
General FictionSYNOPSIS Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera a...