"WOW thank you."
Nakangiting kinuha ni Adriana ang salad na nakalagay sa baunan. Tinignan niya si scorpio..
"Thank you scorpio." Nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo nito. Inumpisahan niyang ng kainin ang salad.
"Scorpio?" Takang tanong nito, nag-angat siya ng mukha.
"Oo, kasi naman bukod sa hindi tayo compatible isa ka ding----- ugaling scorpio ka eh." Bawi niya agad ng ma-realize niya ang sinasabi.
Muntik na akong madulas ah. Bulong ng isang bahagi ng utak niya. Sana lang ay hindi nito napansin 'yon.
"Sebastian Arragon." Sabi nito, tinignan niya ito.
Alam ko naman eh. Gusto sana niyang sabihin dito. Ngumiti siya.
"Hi i'm Adriana 'a.k.a' Ading Montadelo nang quiapo." Parang miss universe na pagpapakilala niya. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin dito. Kumunot ang noo niya nang makitang nakatitig lang ito. Medyo yumuko siya dahil nakaramdam siya ng hiya. Nanlaki ang mata niya ng bigla siya nitong hawakan sa baba at inangat ang mukha niya paharap dito. Umatras siya dahil ang lapit nito sa mukha niya. Naamoy niya ang mabango niyong hininga.
"Wag kang mag-alala pangit ka at wala akong balak halikan ka, may dumi ka sa mukha." Pagkasabi nito non ay hinaplos nito gamit ng isang daliri ang gilid ng labi niya. Namumula siya, medyo lumayo siya hindi niya matagalan ang titig nito. Nakangising lumayo na ito sakanya. Tinuloy niya na lang ang pagkain. Nakita niyang umupo ito at tinititigan siya. Hindi niya alam kung bakit nahihiya siya tinignan ito ng masama.
"Why?" Painosenteng tanong nito.
"Alam mo bang may bayad ang titigan ako?" nakataas ang kilay na sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"So, how much?"
Inirapan ko siya.
"Oh tapos na 'ko, pahinging tubig." Utos niya dito. Nakita niyang natigilan ito pero tumayo din naman at kinuhanan siya ng tubig inabot nito sakanya 'yon. Kinuha nito ang pinagkainan niya.
"Teka kumain kana ba?" Hindi niya naiwasang itanong. Mukhang kanina pa itong umaga dito at binabantayan siya. Lumingon ito sakanya.
"Tapos na 'wag mo 'kong alalahanin."
Tumango-tango lang siya.
"Teka pwede na ba 'kong lumabas?" Tanong niya.
"Bakit?" Takang tanong nito. Naalala niya kasi ang kanyang ina baka hindi pa kumakain ang mga ito.
"Uuwi ako baka nag-aalala na si mama sakin." Sabi niya, medyo yumuko ito na parang may iniisip.
"Sige ihahatid kita." Prisinta nito. Mabilis siyang umiling.
"Wag! ayoko!" Sabi niya agad , lalong kumunot ang noo nito
"Bakit naman?"
"Ah. kasi baka kung anong isipin ni mama. " Pagsisinungaling niya , baka makita ito ng kanyang Tito Abner don. Kita niya ang pagdududa sa mata nito. Maya-maya ay may nilabas ito sa bulsa nito.
"Oh."
Napatingin siya sa cellphone na hawak nito.
"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong niya.
"Tatawagan kita kapag mag-uumpisa ka ng magtrabaho sakin." Sabi nito, napatingin siya sa hawak nito. Verizon Galaxy S7 ang tatak non sa likod.
"Ayoko ngang tanggapin 'yan pupuntahan naman kita eh. Ibigay mo na lang ang address mo." Tutol niya.
Siniksik nito sa kamay niya ang cellphone.
BINABASA MO ANG
Dark Society 1- Sebastian Arragon
Ficção GeralSYNOPSIS Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera a...