NAPAILING si Sebastian nang makita niyang tinutukan na nang malaking lalaki sa ulo ang babaeng 'yon.
"Nawala ata tapang mo." nakangising sabi niya , wala naman kasing ibang ginawa ang babaeng 'yon kundi ang pumikit. Binuhay niya ang makina at mabilis na pinaandar 'yon. HIndi niya alam kung anong sumapi sakanya at balak niya pang tulungan ang babaeng 'yon.
"Anak ng! Sir Espen tabi!" Sigaw nung isang lalaki don sa malaking lalaki. Mabilis silang umalis sa gitna ng kalsada. Hininto niya ang kotse sa tapat nong babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa likod.
"Pasok!!" Sigaw niya dito, nag-angat naman ito ng tingin saka ngumiti. Mabilis itong tumayo saka pumasok sa loob. Maya-maya pa ay narinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril.
"Yumuko ka!" Utos niya sa babae. Mabilis niyang niliko ang sasakyan sa kabilang kalsada, buti naman at hindi na sila nakasunod.
"Hey lady, dito ka sa harap." Utos niya, sinunod naman siya nito. Nasa tabi niya na ito nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito.
"Mukha talaga siyang manghuhula sa paningin ko." Sabi niya sa isip.
"Sino ba 'yong mga 'yon ha?" Tanong niya, pero hindi siya nito sinagot. Nilingon niya ito.
"Hoy kinaka- - - OH shit!" Mabilis niyang hininto sa tabi ng kalsada ang kotse saka nilingon ang katabi. Hawak nito ang sariling braso, nakita niyang umaagos sa isang kamay nito ang dugo. Hinawakan niya ito.
"Hoy! okay ka lang?!"
Ngumiwi ito.
"O-okay lang... d-daplis lang 'to." Nanghihinang sabi nito. Galit na hinampas niya ang manibela saka mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan. Mariin niyang tinapakan ang silinyador at mabilis silang humarurot sa daan. Buti na lang at ilang kanto lang ng may mamataan niya ang hospital. Ipinark niya ang kotse sa harap saka mabilis na bumaba, umikot siya sa kabilang pinto.
"Halika dito bilis." Mahinang sabi niya, saka dahan-dahan itong binuhat.
"Aray gago! masakit!" Daing nito.
Tignan mo 'to nakamura pa.
Pumasok sila sa loob ng hospital.
"Nurse! nurse!" Tawag niya don sa isang nurse na nasa gilid at may kausap. Lumingon sa direksyon niya at mabilis na lumapit samin.
"Ano pong nangyari?" Tanong nito. Nainis siya bigla.
"Ipasok niyo na lang siya loob!" Inis na sabi niya, mabilis naman kumuha ang mga ito ng stretcher , hiniga niya ang babae don. She look pale.. Hindi na siya sumunod ng dalhin ito sa loob. Hindi naman niya ito kilala eh. Siya na ang bahalang mag bayad ng bill at gamot nito. Napatingin siya sa suot na damit.
"Bwisit! ang daming dugo!" Inis na sabi niya saka siya lumabas ng hospital.
-----------***
MINULAT ni Adriana ang mga mata , puting kisame at amoy gamot ang bumungad sa paningin at pang-amoy niya. Napangiwi siya ng maramdaman ang kirot sa kanang braso. Nilibot niya ang paningin sa paligid.
"Ba't nasa hospital ako?" Bulong niya at pinilit umupo sa kama. Tahimik sa kwartong 'yon at siya lang mag-isa. Biglang dumaloy sakanya ang ala-ala. Naalala niya ang lalaking 'yon. Tama tinulungan siya nito kanina. Napangiti siya.
"Mabait pala si scorpio eh." Bulong niya.
"Pero teka?! mukhang umalis na siya ha? Hala wala akong pambayad dito." Bulong niya.
Ano ba yan! 'yong pera ko para 'yon sa pag-aaral ni Denny at gamot ni nanay! Sigaw ng isip niya.
Kahit masakit ang braso ay pinilit niyang bumaba. Wala siyang pambayad dito no?!
BINABASA MO ANG
Dark Society 1- Sebastian Arragon
Fiksi UmumSYNOPSIS Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera a...