By: LadyEurasia
"ATE!ATE!".Humahangos dumating ang isang binatilyong lalake.
"Oh bakit?", Tinaasan niya kaagad ito ng kilay.
"Ate... ate"
"Ano bang nangyare sayo at hahangos hangos ka? Uminum ka ng tubig at mag relax ka muna. Ako ang nahihirapan diyan sa pagsasalita mo eh!". Uminom ito ng tubig at ng makahinga ng maayos ay nagsumbong na ito.
"Ate wala,wala akong na pala!"
"Huh? bakt?"
"Ate pinuntahan ko po sila Riah pero wala sa bahay niya. Si Anton na bakla ay wala pa rin daw pera, bukas na lang raw siya magbabayad. Si May naman ay wala pa ring pera at kakabayad lang raw niya sa tuition fee niya kaya sa isang linggo na lang raw siya ate. Si Janice naman ay wala kaya hindi ko masingil ate".
Habang sinasabi ng kapatid niyang si Crisanto Aberto Magtayag ay unti- unting tumataas naman ng kilay at ang kanyang presyon.Anak ng pusang gala!
Halos limang buwan ng di nagbibigay ng bayad sa renta ang mga tenant niya. Kakaunti na nga lang ang kanilang kita dahil sa dami nilang gastusin sa bahay. Simula kasi ng namatay ang kanyang ama at ang ina naman ay may sakit sa puso. Siya na ang nagtutustus sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Siya na rin ang nagpapaaral sa kapatid niyang si Crisanto. Tinataguyod niya ang pamilya sapamamagitan ng pamamahala sa apartment na pinapaupahan nila. Dati ang Nanay niya ang namamahala nito. Ngunit ng nagkasakit ito ay siya na ang namahala maging sa kanilang maliit na grocery store.
Tumigil na rin siya sa pag aaral dahil sa laki ng responsibilidad na nakaakibat sa kanya. Kaya naman kahit pananamit ng ina ay ginagaya niya. Nang sa ganon ay mukhang siya talaga ang may ari ng paupahan katulad ng kanyang ina.
Sumabay pa ang mga tenant na tinagal tagal ay ginagawa na yatang libangan ang hindi pagbabayad ng upa sa renta.
"Ate sabi nga pla ni Giselle sira raw yong pinto sa banyo niya at walang tumotulong tubig sa banyo , kaya hindi raw siya magbabayad sa renta. Paayos mo muna raw bago mo siya singilin".
"Abat! Hindi na nga sya nagbabayad sakin ng renta, siya pang may ganang magreklamo. Makademand akala mo nagbabayad ,hindi naman!kapal ng mukha!"
May sira na nga ang ilan sa paupahan ngunit agad naman niya itong pinapakumponi. Hindi niya nga lang malaman kung bakit laging nasisira ang pinto sa bahay na ginagamit ni Giselle.
Ano yon laging may nagkakalabugan sa pinto nito sa banyo kaya lagi itong sira?, pagtataka niya.
Si Giselle kasi ay ang tenant niya na isang GRO. Hindi niya naman ito hinohusgahan ,yon nga lang hindi niya lang maiwasang mainis sapagkat iba't ibang lalaki ang dinadala nito sa bahay. Ang pinaka masaklap kapag gumagawa ito ng kababalaghan ay rinig na rinig niya ang ingay ng kaharutan nito. Pinupulusyon ang utak ng kapatid niya.
Ngali-ngali niyang batohin at paalisin ito. Hindi niya nga lang magawa dahil naawa siya rito. Kahit naman masungit at bungangera ay may puso pa rin naman siya.
Humanda talaga sakin ang pun*tang yan!
"Sige ako na lang maniningil. Ikaw magbantay dito . At pakiusap Criss naman maligo ka. Mapanakit ka na!Maligo ka, binata ka pa naman!"
BINABASA MO ANG
For The First Time
RomanceThey say love is powerful than any weapon in this world.Love can conquer all. Love is magical cause you will feel this instant , in unexpected way. Same like Jerome the notorious playboy in town. Hindi niya akalain na malove at first sight sa isang...