4

56 8 0
                                    

By: LadyEurasia

"OH ATE!" humarap si Maria sa kapatid niyang saksakan ng pagiging alaskador,  tulala.

"Bakit?"

"Wow ate ikaw ba talaga yan?"sa namamangha nitong tono. Pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ano bang mali sa itsura niya? Tiningnan niya ang sarili. Nakasuot siya ng formal long sleeve na cardigan na kulay itim at sa loob ay spaghetti white sando at mini skirt na black. Na emphasize ang mapuputi niyang legs, at pumps na black ang footwear niya. Tinali niya ang buhok into messy bun. Ayos naman ah! She thought.

"Ate ang ganda mo! mukha kang may ari ng condominium."

"Heh!ewan ko sayo"

"Saan ka ba ate pupunta at pustorang pustora ka?"

"Mag apply. Hindi tayo mabubuhay kung dito lang ako. Nalulugi ng grocery natin at may utang pa ko kay Janice. Malapit na rin ang pasukan. Hindi ako pwedng ngumanga lang dito at maghintay na may babagsak na bayabas."

"Talaga ate san?"

"Diyan lang sa JJ Construction Company. Hiring raw sila ngayon ng secretary. Since graduate naman ako ng BSBA pasok ako dun!"

"Talaga ate?Naku good luck!sige na ate umalis ka na baka malate ka pa."

"Sige, sige maligo ka ha?mapanakit ka na!"

"Si ate naman." Tinaas nito ang isang kamay. Hinimas ang kilikili matapos ay inamoy. "Hindi naman ah."

Ew!

"Ms. dito na!" Malokong sabi ng driver.
Inungusan niya ito. Kung gusto mo libre na lang basta pahingi ng isang kiss." Duon siya napaangat ng mukha mula sa pagkalkal ng wallet niyang upang kumoha ng pambayd.

Nakita niya itong malisosyang tiningnan ang binti niya at ngumiti pa sa kanya ng nakakaloko sanhi upang lumabas ang gilagid nito. Gilagid lang dahil dalwa lang ngipin nito na nasa mag kabilang tabi.

Damohung to!

Kaya pala kanina pa siya kinikilabutan sanhi ng pagtaas ng balahibo niya.Noong una akala niya dahil lang sa aircon sa loob ng taxi, yon pala dahil pinagpapantsyahan na ng manyakis na toh ang binti niya!

Langya!

Uminit ng bunbunan niya. Hoy mister halik kamo?" Matuto ka munang eskobahin yang dalwang ngipin mo bago ka humihingi ng halik!demonyo!"

Sabay hampas ng isang daan sa mukha nito at mabilis na lumabas sa taxi. Akmang sisigawan pa siya nito ng ipakita niya ang toy gun na dala, na kung tiningnan ay mukha talagang tunay na baril.

Bigay ito sa kanya ng tiyo estong niya, na dating nagtrabaho sa security agency. Pang proteksyon niya raw sa panahon ng panganib.

Totoo sa sinabi ng tiyo niya ay maraming beses niya na itong nagamit mula sa masasamang loob.
Katulad ng holdaper sa jeep, sa naghuhumirantadong lasing sa kanilang barangay, at sa mga manyakis.Mabuti na lang at lagi niyang dala ito.

Napatingin siya sa pagkataas-taas na building ng JJ  Construction Company.

This is it!

Tumambad kay Maria ang malawak na lobby at marmol na sahig na napakalinis. Lumapit siya sa front desk attendant.Napasinghap siya ng makitang kaparehas niya ng suot ang uniporme ng babae.

Putspa! Kaya pala kanina pa ko pinag titinginan ng mga empeyado. Nakakahiya!

"Hi, Ma'am good morning! How may I help you?"

"Good morning! I'm Maria Kristin. I'm here to apply for the vacant position."

"Yes Ma'am. Please go to fifth floor for the job interview."

"Okay thank you." Langya na yan gusto kong ma nosebleed!

Pagkarating ko sa fifth floor ay tumambad ang mahabang pila ng mga aplikante. Shoot!mahaba- habang hintayan toh!

Pawang nagagandahan ang mga babaeng mag aapply. Mga sexy ito at naglalakihan ang mga hinaharap, na halos lumowa ang harapan sa iksi at kinulang sa tela na suot ng mga ito.At mga kapwa rin bising busy sa pag aayos ng mukha. 'Natanong niya tuloy ang sarili kung totoo pang secretary position ba talaga ang pag a aplyy-an niya  dito pageant sa beauty contest?

Napatingin tuloy siya sa sarili. Kamusta naman ang dibdib niyang pang orange lang ang laki, samantalang yong sa mga ibang aplikante ay gapapaya sa laki.

Ngee..hayaan na nga!

Tumabi siya sa babaeng nasa kahulihan. Mukha itong model ng glutha sa puti.

"Hi Ms kanina ka pa rito?"

"Oo, pero kahit isa wala pang waging lumabas sa pintoan na yan"

At tinuro nito ang pintong tinutukoy.
Bigla itong bumokas at lumabas roon ang isang babaeng luhaan.

"Halos kalahati na ang naiinterview pero wala pa ring pumapasa. Balita ko yong mismong CEO ng company ang nag iinterview. Masungit at istrikto raw ito."

Medyo na alarma siya ngunit hindi iyon naging hadlang upang panghinaan ng loob. Marami siyang bayarin at may utang pa kaya walang puwang ang takot sa dibdib niya sa pagkakataong ito.

Lumipas ang tatlong oras at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatawag. "Kimberly ihi lang ako. Pabantay ng numero baka tawagin ako at pati na rin yong upoan ko"

"Oh sige bilisan mo ha?"

"Oo sge." Nalaman na niya ang pangalan nito at instant besty na sila.








"CRISANTO nasan si ate Maria? dala ang ginataang bilo. Nabili niya ito sa kanto naikwento kasi sa kanya ng kapatid nito na iyon ang paborito ng dalaga."

Itinigil nito ang pagwawalis at inilagay sa braso ang tambo. "Wala si ate. Nag-aapply."

"San naman siya mag apply?heto nga pala ang ginatang bilo-bilo. Pabigay na lang kay ate Mariah". At inabot dito.

"Uy!tamang tama paborito ni ate yan. Sige , salamat Janice." Sinalin nito ang bilo-bilo. Matapos hugasan ang lalagyan ay ibinigay kay Janice. "Sa JJJ Mining Corporation. Hiring raw ngayon dun eh".

Sa sinabi ng lalaki ay napasinghap siya at dali daling umalis at iniwan si crisanto na nagtataka.

Naku! Hindi puwedeng makita ni ate Maria si kuya dun. Kinuha ko ang cellphone at mabilis na tinipa ang number ng kapatid. Makailang ring na ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Kuya naman eh ngayon mo pa naisipan na hindi sumagot.

Dali-dali siyang nagbihis at sumakay ng tricycle patungo sa kompanya nagbabakasakali na mapigilan pa si Maria.

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon