6

63 8 0
                                    


SINUNDAN ni Maria ang babae at hayun nga  dumertso ito sa CEO office.

Tsk! Napakadesperada ng gaga. Isa din pala ito sa mga nakapila. Ala ninja siya at patingin-tingin sa corridor. Nagkataon namang tumayo ang sekretarya ng CEO at pumonta sa kabilang pasilyo. Chance ko na toh!

Mabilis siyang nagtungo sa pinto ng CEO. Huminga ng malalim at bumilang sa isipan niya.

Five, four, three, two ,one, Action!

Pabalya niyang binuksan ang pinto at hayon nga ang dalawang naghahalikan. Kitang-kita niya ang pagkakainan ng dalawa ng labi. Parang suso kung higupin nito ang labi ng lalaki.

Grabe nakakadiri sila! At ito namang lalaking ito nakakita lang ng sexy , sunggab kagad. Tsk!kaya dumadami ang scandal dito sa mundo eh.

Kung hindi niya lang kailangan ng trabahong ito at kung hindi lang siya nilait ng babaeng ito,nunkang gagawin niya ito.

"Mga walanghiya!"

Mabilis nitong tinulak ang babae. Gulat ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Naku, baka iniisip  nitong kung sino ako na bigla na lang pumasok sa opisina niya. Dapat galingan ko.

"Who are you ba?"angil ng hitad sa kanya. Gusto niyang mapangiwi sa itsura nito. Nagkalat ang red lipstick  sa palibot ng labi nito.

Kadiri!  Halos luwa na ang dibdib ng babae dahil sa naka unbuttoned na tube dress na suot nito. Desperada!

Ang lalaki naman ay nagkalat din ang lipstick stain sa chin at sa labi nito. Pinanlisikan niya ito ng mata. "Nakipaghalikan ka pa sa kanya!dito niyo pa talaga ginawa!Mga walanghiya!"

Biglang namutla ito na akala mo totoong nahuli ng asawa nito sa akto. Parang gusto niyang palakpakan ang sarili ngayon. Ang galing ko!

"Ako tinatanong mo ako kung sino ako?" Tinuro niya pa ang sarili. "Ako lang naman ang asawa ng magaling na ito!" Sabay sampal sa hitad.

Nanlaki ang mata nito at napalabi dahil sa lakas ng natanggap na sampal mula kay Maria. Binalingan niya ng tingin ang CEO/asawa niya raw kuno. Napipilan siya ng makitang tigatil ito at laglag pangang nakatingin sa kanya.Napailing siya.Binalik na lang niya muli sa hitad tingin.

"Ano masarap ba ang asawa ko ha?ha? sigaw niya rito. Inalis niya ang kamay nitong nakakapit sa braso ng lalaki. "Walang sayo babaeng clown,akin lang ang asawa ko!"

Buti na lang napakinabangan ko ang favorite line na yun sa isang teleserye.

"Jerome totoo bang asawa mo ang babaeng ito?"tanong nito sa binata.

Nakasimangot na ito at matalim ang mga matang nakatingin sa lalaki. Alam niyang kapag nagsalita ito ng "hindi" ay tapos na ang palabas niya at hindi pwede yon. Kaylangan pa niyang makuha ang bag ng babae dahil naroon ang video cam upang siluhin ang lalaki.

Binalingan niyang muli ang lalaki na asawa nya kuno. Tulala pa rin ito. Grabe naman. Ganon ba ko kagaling sa pag arte ko at hanggang ngayon ay tulala pa siya? pagtataka niya sa reaksyon nito.

Nilapat niyang muli ang tingin sa hitad. Parang gusto niyang magbunyi, worth it makita ang face nito ngayon. Bakat na bakat ang kamay niya sa mukha nito. Ang mga mata nito ay kakikitaan ng nakaabang na luha sa sandaling makumpirma ang katotohanan sa bigbig ng lalaki.

Lihim siyang napangiti.

"Sinabi mo ako lang. Pinagkatiwalaan kita. Binigay ko sayo ang lahat. Pinakasalan kita dahil ganon kita kamahal".Nang sabihin niya ang huling linya ay kitang kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ng CEO sa narinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon