/3/ - Friends

2.6K 25 0
                                    

/3/ - Friends

Even if kami na ni Kian, hindi ako nawalan ng time sa mga friends ko, I still manage to cope up with them and hang out.

We always free ourselves from each other. Hindi namin kinukulong ang isa't-isa sa isa't-isa. Kung titingnan kami, para lang kaming magtropa tapos may araw lang na para kaming, "kami."

Balance is key, lalo na ngayong generation wherein ang technology ay advance. We can talk through phone pa rin naman pero hinahayaan ko siyang makasama ang mga friends niya. Same goes to me, hinahayaan niya akong makipag-socialize sa iba.

Pareho kasi kaming naniniwalang hindi pwedeng isang tao lang iniikutan ng mundo mo. Eventually, magsasawa ka, mawawalan ka ng kwento. At least kapag nagkita kayo after a day with friends, madami kayong kwento, may bago.

"Sabay kayo naglunch ah?" Bungad sa'kin ni Liza pagkapasok ko sa klase kinabukasan.

"Yeah.."

"Kwento!" She smirked.

Isa ko pang narealize ay mas nagiging interested sa inyo yung mga kaibigan mo. Dahil minsan lang kayo mag-usap, for sure ang ineexpect nila may bago kayong pinag-usapan.

May time ka na sa friends mo, interested pa sila sa'yo. See? That's why I balance my time. If people see you over and over again kasi kahit hindi kayo nananawa sa isa't isa, sila yung mananawa. Hanggang sa hindi na sila interested sa inyo dahil lagi nila kayong nakikita at sawa na sila.

"Normal na usap lang naman."

"Like?" Tinaas ni Liza yung kilay niya at naghihintay ng kasunod pa sa sasabihin ko.

"Hays, he said my name.."

"Lagi niya namang sinasabi yon! Ano ba ya-"

"Wait di pa tapos, he said Azariah Kai Lee Celorico." I looked at Liza at pinagmasdan ito kung kikiligin. "At sabi niya bagay daw."

"OO ABA, BAGAY NA BAGAY!" sumigaw siya at napalingon sila Liam sa'min.

"Ingay mo, Liza." Sabi ni Liam.

"Weh, bida ka na naman jan." Sagot ni Liza dito.

"Lolo mo bida." Sumapaw naman si Nick kaya napatingin ako kay Liza.

"Ay!! May Nakiki!" Umirap si Liza kay Nick. Ngumisi naman ako sa kaniya.

"Gusto mo rin eh." Mahina kong sinabi.

"Shut up." Umiling si Liza sa akin at halata naman sa kaniyang kinikilig siya, namumula kasi at hindi niya mapigilang ngumiti.

"Liz, wag ka kiligin."

"Di ako kinikilig, naiinis ako."

Tumawa ako, she said to me na meron nga siyang crush kay Nick, pinagkatiwalaan niya ako na hindi ko sasabihin so hindi ko sinabi.

I ship them. Si Nick kasi ay yung taong tahimik lang pero makulit, nanggugulo pero pasimple. Ganon siya at dahil tahimik siya, I also find him interesting.

Interisado kasi ako, ang mysterious kasi at nakakacurious. The fact that he always looks at my side, isa din yon. I'm not assuming pero bakit kaya siya laging nakatingin sa side ko? Dahil ba lagi kong katabi si Liza?

The question I always ask. Hays.

Dumating si Hailey at umupo sa upuan niya. Inayos ang pagkakalagay ng bag saglit at napatingin sa'kin.

"Ariaaaaa!!" Tinawag niya ako sabay lumapit siya. Nako, mukhang may chika na naman to.

"Yes?"

"Kwento naman." Ngumisi siya at tumabi sa'kin dahil wala pa yung katabi ko.

"Anong ikekwento ko?"

"Kahit ano." Kumibit balikat siya.

Dumating naman ang adviser namin kaya natahimik kaming lahat, si Miss Vi.

"Hi miss!" Unang bumati si Jerome. "Goodmorning."

Ngumiti si miss at bumati din pabalik, hanggang sa bumati na din kami lahat. Another month, another event.

Actually, kakasimula lang ng year na 'to at graduating na kami. Sabi nga ni Sam Smith, it's sad but it's true. Ang lungkot pero that's the reality we need to face. Sinusulit namin ang huling mga memories namin dito sa apat na sulok na room na ito.

"Malapit na ang event natin, Science Month. Anong balak niyo guys?" Miss Vi asked.

"Ay may naisip na 'ko jan!" Sigaw agad ng kaklase kong si Em.

Siya yung dancing- dancer pala, siya yung dancer namin. Siya din yung nagsisilbing leader sa tuwing may ganitong event. Hanga ako sa kaniya dahil sa confidence at her leading skills. He's actually gay.

"Sige pag-uusapan natin yan mamaya, bababa lang ako." Nagpaalam samin si Miss.

With Em, we could win. Sobra kasi ang effort ang ibinibigay niya lalo na pag gusto niyang manalo.

Umingay ang klase dahil pinag-uusapan yung sayaw. Binabalikan din nila yung dati, kung sino yung nanalo, gagayahin or kahit scratch lang.

Since graduating, gusto namin ng medal sa graduation. Kaya pursigido kaming manalo.

Competitive and confident but not conceited.

Yan ang nakatatak sa isip namin lagi, humble lang para manalo HAHAHA.

By tomorrow baka magstart na kami ng practice dahil halos 3 weeks lang lagi ang practice namin.

"Dati lagi tayong talo eh no?" Sabi ni Liza sa akin.

"Oo nga eh, gusto kong maranasang manalo. 4 years na 'ko dito oh!" Medyo nilakasan ko ang boses ko upang marinig din nila.

It's been 4 years at hindi ko pa nararanasang tumalon sa sobrang saya sa gitna pagtapos imention yung section niyo dahil nanalo kayo.

I'm looking forward to win this competition, we all are. I trust my friend, er-

"Ok." Biglang sabi ni Nick bilang pag-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin, buti walang nakarinig kung hindi mabuburn ako nito.

Again, never ko pang naging kasection si Nick, ngayong school year lang at nacucurious ako sa kaniya, hindi kasi siya tulad nung iba na kahit 'di ko kaklase, I know their attitudes and personalities. Pero siya? He is really mysterious. He isn't transparent, I can't see through him.



I actually want him to be my friend.



_________________________________________________________

A/N

THANK YOU FOR READING! :)

Kayo ba? May time pa ba kayo sa friends niyo? Nakopow, you better balance your time. Know who's been there for you since the start ;) hindi 'yung dumating lang si bebe nawalan ka na ng time kay beshie! Masakit eon. xD

Anyway who do you think is this mysterious Nick chenelin? Will he be a huge part of this story? hmm...

LOVE CAN'T BE FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon