2: Way back.

23.7K 650 148
                                    

This chapter is dedicated to the greatest ate in the world. Hi ate! Happy birthday! I love youuu! :*

*

 

Sometimes you got to let time to be the answer.

 

 

Chapter 2: Way back.

Naglalakad ako sa corridor, 'di kalayuan sa locker room habang iniisip ang mga pangyayari. Si Storm na sinungitan ako, ang pagkakabangga ko sa dibdib nya, ang pagtilapon ko sa sahig at... OH MY GOD!

"Yung assignment ko sa Engineering Algebra nawawalaaa! Waaah!"

Agad akong bumalik sa locker room, pinuntahan ko 'yong lugar na binagsakan ko. Umiikot ikot pa ako sa paligid at kahit locker na bukas binuksan ko para lang makita 'yung nawawala kong handouts at test paper na may sagot ko—I mean, sagot pala ni Green. Nangopya lang kasi ako sa kanya eh.

"Na saan na ba 'yon?" Napaluhod na ako kakahanap, kulang na lang siguro ay itaob ko na ang mga lockers para lang makita ko 'yon.

Hindi kasi 'yon simpleng assignment lang. Bukod kasi sa pinaghirapan ko 'yun—este ni Green, mataas din ang chance na bumagsak ako dahil wala akong napasa. It's better than 70 than zero. At saka isa pa, 'pag wala kang napasa it's either community service ka or repeat next sem. Shet.

Patay na talaga ako nito. Huhuhu.

Nakaluhod ako habang yu-yuko yuko, kasalukuyan akong naghahanap sa kailaliman at sulok sulok ng mga locker nang bigla na lang may humakbang sa tapat ko. Unti unting napaangat ang tingin ko at boom!

Si Storm!

Agad akong napatayo, nag-ayos ako ng damit saka ako lumayo ng kaunti sa kanya.

"B—bakit?" Hindi ako makapagsalita ng matino, nanginginig kasi ang tuhod at mga kalamnan ko dahil sa mga titig nya.

Heto nanaman sya, heto nanaman ang mga titig nyang nakaka-kaba.

"Ba—bakit?" Tanong kong muli pero instead na sumagot, dahan dahan lang syang lumakad. Lumakad sya palapit sa 'kin kaya napaatras ako.

Oh em. Ano ba ang nasa isip ng taong 'to? Ano nanaman ba ang balak nyang gawin?

Napalunok na lang ako nang napansin kong wala na 'kong maaatrasan dahil tuluyan na akong nasandal sa mga lockers. Seryoso lang ang titig nya sa mata ko, 'yong titig nya na parang nagsasabing humanda ako.

Lunok. Bukod sa pagpikit ng mata at panginginig ay tanging lunok lang ang nagagawa ko. Gusto kong magsalita, kaso pinipigilan ako ng mga titig nya.

Napapikit na lang ako ng unti unti nyang inilapit ang kamay nya sa mukha ko, ewan putcha! Feeling ko kasi hahalikan nya ako kaya siguro napapikit na din ako, kaso feeling ko lang pala kasi...

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon