Warning: Cliché scenes are coming.
*
“Bad things happen in life to teach us how to look at good things in a whole new life.”
Chapter 7: Caught.
Hannah’s POV
Tahimik akong naglalakad habang iniisip ang tanong ni Lourie, ewan pero parang nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng gana sa lahat. Kaya naman, umupo ako sa isang bench 'di kalayuan sa park na nilalakaran ko at do'n ako nagisip.
"Bakit mo iniwan si Storm?"
Bakit ko iniwan si Storm? Bakit nga ba? Bakit ko ba iniwan ang taong nagpatunay sa 'kin na pwede pala akong mahalin? Bakit ko nga ba iniwan ang taong nagpahalaga, umunawa, nagsakripisyo at nagmahal sa 'kin? Bakit?
"Bakit?"
"Siguro dahil tama sila..."
"Pero bakit nga?” Sasagot pa sana akong muli kaya lang narealize kong may tao sa gilid ko na nakaupo sa may bench na inuupuan ko. Teka nga, bakit ba nya ako tinatanong ng bakit? Epal talaga siya.
"Hoy ikaw, bakit nandito ka?!" Singhal ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti at inakbayan ako pero saglit lang ang akbay na iyon dahil inalis ko din agad.
"Sinusundan ka?"
"Pwede ba Dj huwag mo nga akong buwisitin ngayon!" Sabi ko sabay irap pero hindi pa din sya nakinig, mas lalo pa siyang umusog at tumabi sa 'kin.
"Alam mo, dapat kang magpasalamat sa 'kin."
"At bakit naman?!"
"Kasi napapansin kita" Confident na sagot nya na parang TEKA NGA! ANO 'YUN?! UTANG NA LOOB KO PA?
"Wow ah, medyo mahangin!" Sagot ko kaya natawa naman ang unggoy.
"At anong tinatawa tawa mo d'yang unggoy ka?!"
"What? Ako? Unggoy?"
"Oo, ikaw nga po"
"Sa guwapo kong 'to? Unggoy ang tingin mo?" Psh. Lakas talaga ng bilib sa sarili.
"Oo, unggoy ka" Napataas na lang 'yung kanang kilay nya dahil sa sinabi ko, nakakatawa pa 'yung mukha nya kasi parang disappointed talaga sya.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Pervert 2: Still Into Him
Teen FictionIf you thought you totally got over with him, think twice, because maybe you're still into him. © August 2014 Seducing Mr. Pervert Season 2 G5 Series