13: The Boss (2)

3.2K 119 17
                                    


They say 'follow your heart', but if your heart is in a million pieces, which peace do you follow?

Chapter 13: The Boss (Part 2)

Hannah's POV

Awkwardness level: 99.9%

Silent mode level: 100.01%

Shoot! I really really hate this feeling! Yung pakiramdam na hinalikan ka nya tapos after ng nangyari biglang tumahimik ang paligid, at ni isa sa inyo walang balak o walang may gustong basagin yung katahimikan na dinulot ng kissing scene nyo. Err! Kasalanan talaga 'to ni Storm eh! Huhuhu.

Kasalukuyan kong kinakausap ang sarili ko nang bigla nyang kinuha yung laptop nya.

"Anong gusto mong movie?" Basag nya sa katahimikan.

"Kahit ano"

"Sige" Sagot nya, at dahil sa curious ako sinilip ko yung laptop nya.

"Lights Out?! Ayoko nyan!" Sabi ko. Namili naman sya ng iba.

"The Purge? Huwag 'yan!" Naghanap siya ulit ng iba pa.

"Ang pangit kaya niyan" Sabi ko nang iki-click niya sana yung isang horror movie.

"Freak, sabihin mo na lang sa 'kin ang gusto mong movie." Seryosong sabi nya.

"Kahit ano nga" I replied.

"Kahit ano? Tapos kokontrahin mo?"

"Hindi ah. Basta kahit ano." Sagot ko. Napapailing na lang siya dahil sa sinabi ko.

Ipi-play nya na sana yung The Autopsy of Jane Doe ng bigla kong hinawakan yung braso nya para sana pigilan siya kaso ang awkward na naman.

"Hindi maganda 'yan, hehe" Inalis ko agad yung kamay ko sabay iwas ng tingin.

"Tell me" Seryosong tanong nya.

"Kahit ano, bahala ka na" Sagot kong muli.

"Freak girl, you better tell what's on your mind or I'm going to jail you again"

"Okay! Sige, Moana na lang."

He did as what I have said. "Tss. Parang bata" Aniya.

Inayos nya yung laptop nya at hinanap 'yung Moana sa movie list. Nang makita na niya'y inayos naman niya yung earphone at nilagay sa tainga niya. Humarap naman siya sa 'kin at natigilan ako sa ginawa niya dahil hinawi nya ang buhok na nakalaylay sa harapang bahagi ng mukha ko at inilagay niya sa likod ng tainga ko. Segundo lamang iyon pero bakit ganoon na lang ang epekto sa 'kin? Bakit ang lakas ng epekto niyon sa akin?

Nilagay niya yung right earphone niya sa left ear ko and that makes me nervous. Sobra.

"Okay na ba?" Tanong nya habang inaayos yung earphone sa tainga ko.

"Y-yes"

He started to play the movie. At first medyo nakikita kong nabobored siya pero nakikita ko din namang pinipilit niyang panoorin. Alam ko namang hindi 'yon ang gusto niyang panoorin pero pinapanood niya pa din just to...maybe satisfy me?

After almost 2 hours natapos din namin yung movie. Inalis na niya yung earphone sa tainga niya at inalis niya din yung sa 'kin.

"Ang ganda talaga ng Moana, hindi nakakasawa panoorin" Nakangiting sabi ko.

"I like it"

"Talaga? Nagustuhan mo?" Naeexcite na tanong ko.

"No," He said and I frowned, "I like it... I like the whole time seeing you smile while watching the movie" Then, I froze.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon