Chapter 3

118 12 2
                                    

Zayden's POV

nandito kami ngayon sa isang restaurant kasama ang mga loko loko kong kaibigan dahil nag aya si Rov na kumain na lang para daw mawala ang inis ko kay noisy girl

kaya eto nag order kami ng beef steak, omelette with rice, at fruit juice ito lang muna ang inorder namin dahil hindi pa naman kami ganun ka gutom ng mga to

"Zayd? dude? kamusta ang pagkain masarap ba?" tanong ni Rov

"Oo masarap naman kahit papaano nawala ang init ng ulo ko doon sa babaeng maingay na yun" mahinanon kong sabi

"Ano ka ba naman dude kumakain ka na lahat lahat iniisip mo pa rin si ano nga ulit pangalan nun?" sabat naman ni Liam

"Allysone Bianca pangalan nun' ang weird di ba?"

"Anong weird dun dre? ang ganda nga ng pangalan nya eh pang binibini na dyosa" si Rov

"Ewan ko sa inyo di ba kumakain tayo? bakit ba siya ang topic natin? papangit lang ulit mood ko neto eh isa pa hindi ganun yung mga type ko na babae alam nyo ako matinik ako pagdating sa chicks" sabi ko

"Talaga lang ha Zayden Dela Vega? baka mamaya magsisi ka panain ni kupido yang puso mo at mahulog ka kay Allysone Bianca!" si Liam

"Tumigil nga kayong dalawa hindi mangyayari yun!" sabi ko

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAAHAHHAHAHAHAHA" silang dalawa

loko tong dalawang to pagtripan ba naman ako kasalanan mo to Allysone Bianca Cruz A.K.A Miss Noisy Girl

"Tapos na ba kayo sa kinakain nyo?" pag iiba ko ng usapan

At imbis na sagutin nila ang tanong ko ay tinanguan lang nila ako

matapos nilang gawin sakin yun ay tumayo na kami para umalis at iniwan na lang namin ang bill sa tray at lumabas na ng resto na yun at pumunta na sa kotse ni Rov dahil iniwan namin ang kotse namin sa school dahil nag cutting classes kami sa pangalawang subject

My Seatmate Becomes My Boyfriend [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon