Chapter 40

39 1 0
                                    

Liam's POV

ilang na ilang si Yana sa'kin at hindi ko naman mapigilan na nginitian siya dahil ang ganda niya ngayong gabi oo aaminin ko na para siyang lalaki kumilos kapag naka uniform siya at kapag nagsasalita pero ngayong gabi ibang iba siya napaka ganda niya at babaeng babae

"ang cute nila"

"grabe sinolo talaga nila ang entablado"

"gagi swerte niya kapag naging sila"

"sana all may partner na ganyan"

"tara na uwian na may nanalo na"

dinig ko na sabi ng mga nasa studyante na nasa tabi lang at pawang pinanunuod kami nakita ko rin doon sila Elaine at Rov na nakatingin din sa amin. May sinasabi si Rov pero hindi ko marinig dahil pabulong lang niya iyong sinabi kaya naman tinanguan at ngitian ko na lang siya habang si Elaine naman ay hindi na mapigilan ang kilig na nararamdaman para sa amin ng kaibigan niya. Kaya naman ibinalik ko rin agad ang paningin kay Yana

"malapit na bang matapos yung kanta?" halos mautal na sabi niya

"yes bakit nangangalay ka na ba kaagad?"

"hindi naman medyo naiilang lang"

"wag ka mailang kasama mo naman ako" ngiti ko sa kanya

ngumuso naman siya "anong connect non?"

"tch!"

"naiilang nga ako sa presensya mo eh"

"bakit naman?" sambit ko

"hindi ko rin alam" tanging nasabi niya at umiwas ng tingin

at ilang oras lang rin ay natapos na ang kanta kaya naman nagsibalikan na kaagad ang mga kasama namin na mga studyante sa gitna ng magsimulang tumugtog ang pang party at disco na tugtog kaya naman hinila ko na si Yana papalayo doon at bumalik na muna ulit sa upuan namin

"akala ko nandito sila Elaine at Rov?" takang tanong ni Yana sakin ng madatnan namin na wala sila doon

"baka naman sinamahan lang ni Rov mag cr si Elaine" sabi ko naman sa kanya

ngunit bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para dali dali niyang kunin iyon sa pouch niya nagkatinginan pa kami bago niya iyon buksan

"si Elaine" sabi niya sakin

"oh anong sabi?"

"magkasama daw sila ni Rov at tulad nung dalawa hindi na rin nila tatapusin itong party dahil daw pupunta daw sila sa bahay nila Rov" pagpapaliwanag niya sakin dahilan para ngumiti kaagad ako

My Seatmate Becomes My Boyfriend [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon