Chapter 22

47 2 0
                                    

Zayden's POV

"good morning!" bati sakin ni rov ng makarating sa classroom

"morning! aga mo naman yata ngayon?" tanong ko pa

ngunit nginitian nya lang ako nasa corridor sya ng classroom kaya iniwan ko na lang muna sya doon at pumasok na sa room at mas kinagulat ko ay kung bakit wala pa doon ang katabi ko

mukhang male late yata ang isang yon ngayon

sabi ko sa isip at tsaka ibinaba ang bag ko doon at lumabas ng room para samahan si rov sa corridor

"what's up pre? ano nagkaayos na kayo ng ate mo?"

ngunit iling lang ang isinagot ko sa kanya senyales na hindi pa kami nagkakausap ulit ni noona

"what about you? are you okay now? after the confrontation between the two of you yesterday?"

"medyo okay naman na hindi na ganon kasakit tulad ng dati ng mag break kami" sambit nya kaya nilingon ko naman sya

tinapik ko ang balikat nya "ok lang yan pre, nandito lang kami nakaagapay sayo"

tumingin din sya sa'kin matapos ko sabihin iyon "salamat" yon lang ang sabi nya at ngumiti ng mapait

"woy! anong drama yan mga pre? nag ha heart to heart talk ba kayo? sali naman jan!" biglang singit ni liam na noon ay kararating lang kaya nilingon naman namin sya ni rov

"kingina ka talaga kahit kailan ka!" asik ni rov

"sorry na! nga pala ang aga nyong dalawa ngayon ah? himala!" sambit nya

binatukan ko naman sya "alam mo ibaba mo muna yang bag mo bago ka mag dada daldal dito sa harap namin" sabi ko at itinuro ang pinto ng room

kaya pumasok na sya doon at naiwan muli kami ni rov dito sa corridor at tumingin sa mga estudyante na nagsisipasukan pa lang rin

"oh ano na? sali na ako ano ng topic nyo kanina?" sambit nanaman ni liam ng makalabas ng room

"wala tapos na kami mag usap" pang aasar ko

"yan tayo eh! mga makasarili kayo pagdating sa ganyan tangina kayo!" asik nya

at eksakto naman na may dumaan na teacher ng magmura si liam huminto ito sa gawi namin at nilingon si liam ng masama ang tingin

"s-sorry po ma'am hindi na po mauulit" sambit nya

kami naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa katangahan nya pero ilang minuto lang rin ay umalis na ang teacher at doon na namin di napigilang tawanan sya

pinanlisikan naman nya kami ng tingin "kasalanan nyo to eh!" angil nya

"mura pa more!" asar ni rov at tumatawa pa rin

My Seatmate Becomes My Boyfriend [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon