Chapter 19

34 2 0
                                    

Rov's POV

"class dismissed"

pagkasambit na sambit pa lang ni ma'am non ay nag uunahan na ang mga kaklase namin magsi ayos ng mga gamit nila kaya di na rin kami nagpahuli pa

"ally!" biglang tawag ni liam sa kanya na ikinagulat ko naman ng tignan ko si zayden ay abala pa rin ito sa pag aayos ng bag nya

hindi naman nagsalita si ally at nakatingin lang din sa kanya at inaantay ang sasabihin nya pero di pa rin sya nagsalita

"what is i---"

"salamat" sambit ni liam sa kanya

nginitian naman sya ni ally "wala yon ano ka ba" sabay alis nya

"hoy!" sigaw ko sa kanya ng makalapit ako  "ano yon? anong eksena yon? nawala lang ako sandali parang ang dami na agad nangyare?" sambit ko pa

"tss.. alam mo pre napaka ingay mo daig mo pa babae kung mag ingay" sambit naman nya agad

nilingon ko naman si zayden na nandoon pa rin sa bag nya nakatuon ang bag nya kahit na tapos naman na nyang ayusin ito

"zayd? ok ka lang bakit ang tahimik mo naman yata?" tanong ko

tinignan nya lang ako sandali at tsaka nilipat ang paningin sa may bintana "bakit normal lang naman sa isang tao ang minsang tumahimik di ba?" sarkastikong tanong nya

"woah! bakit biglang sungit mo naman agad pre?"

"bakit ba ako ang nakikita mo? bakit di mo daldalin yang si liam?!" inis na sabi nya

imbis na pagsalitaan ko pa sya ay lumapit na lang ako kay liam at tinapik sya sa balikat

"pre? bakit parang iba ang timpla nitong si zayden?"

sandali nyang tinignan si zayden at tumingin ulit sakin "oo nga eh yan din agad ang napansin ko sa kanya"

nilapitan nya si zayden "tara na pre! baba na tayo breaktime oh"

tumingin lang sa kanya si zayden at nagpamauna ng lumabas

nagkatinginan naman kami ni liam sa inastang yon ni zayden at tsaka umiling

"hoy! hintayin mo kami" sambit ko

"sa court na lang tayo wala akong gana kumain" lamyang sagot nya

hindi na lang kami sumagot sa kanya at tinanguan na lang sya

ng marating namin ang court maraming nagte training doon mga players ng basketball, volleyball maging ng sepak takraw

"dito tayo mga pre" sambit ni zayden at naupo naman kami sa pwesto na sinabi nya

My Seatmate Becomes My Boyfriend [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon