Chapter 35

28 1 0
                                    

Liam's POV

kasalukuyan ako na nagmamaneho habang si yana naman ay tahimik at prente lang na nakaupo at hindi na nagsalita muli matapos ko sabihin na ipakikilala ko sya sa pamilya ko

"yana?" tawag ko

nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata na tumingin sya kaya naman nangiti ako

"hm? ano yon?"

"bakit bigla ka nanahimik?"

"wala nagulat lang kasi ako sa sinabi mo a while ago"

"Tsh!" sabay natawa ako sa kanya

"ano bang nakakagulat doon?"

"h-ha? h-hindi yon ganon tulad ng iniisip mo kung bakit ak--"

hindi na nya natapos ang sinasabi nya ng bigla kaming ma stranded sa traffic at dahil doon nabigyan ako ng tsansa na malingon sya

"ang cute mo" nakangiting sabi ko sa kanya

umawang naman ang labi nya kaya naman mas natawa ako at pinisil ang pisnge nya at tsaka ibinalik na muli ang paningin sa daan at eksakto naman na nag GO signal na kaya naman di ko na iniandar ko na ulit ang sasakyan

"bakit?" hindi ko akalain na itatanong nya

kumunot naman ang noo ko at tsaka sandali na nilingon ulit sya "what do you mean bakit?" naguguluhan na tanong ko dahil bigla bigla na lang syang nagtatanong ng ganon

"bakit mo ko sinabihan ng cute? at higit sa lahat bakit mo ko ipakikilala sa pamilya mo for what reason at bakit biglaan?" tuloy tuloy na tanong nya kaya naman wala sa sariling naipreno ko ng sobra ang sasakyan kaya ganon na lang ang gulat naming dalawa

"ano bang ginagawa mo?!" sigaw nya sakin

nilingon ko naman sya at tsaka bumuntong hininga at humawak sa sentido ko at wala sa sariling dinilaan ang labi "hindi mo ba? napapansin? o sadyang manhid ka?"

kumunot din ang kanyang noo at tsaka napatingin sa bintana ng sasakyan at doon bumuntong hininga "ha! imposible"

"anong imposible yana? manhid ka bang talaga?" pag uulit ko sa kanya ng tanong ko

at doon lang nya ako nilingon at makikita sa mga mata nya ang pagkagulat

"a-are you saying tha-"

"yes yana" matapang na sagot ko sa kanya

"nung unang beses na nakita kita kasama ni ally, nagandahan na ako sayo" pag aamin ko pa ng damdamin ko

pero ang kaninang mga mata nyang gulat na gulat sa mga sinabi ko ay bigla na lang naglabas ng tubig na syang naging dahilan ng pagluha nya

aligaga ko naman syang niyakap at tsaka inalo ang kanyang likuran "b-bakit ka umiyak?" alalang tanong ko

My Seatmate Becomes My Boyfriend [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon