Unti-unting binabalot ng poot at kalungkutan
Walang ilaw na matakbuhan
Pilit niyayakap ng kadiliman
Tila ayaw na akong pakawalanSinusubukang hindi pansinin
Mga bulong na binabagabag ang aking isip
Palakas nang palakas ang tinig
Ngunit parang wala pa ring nakaririnigGusto ko nang wakasan
Karimlan na nararamdaman
Ngunit hindi sulusyon ang paglisan
Upang kapanglawa'y maibsanBathala, humihiling na lang na iyong dinggin
Ang matagal ko nang panalangin
Na sana'y mahanap ko pa rin ang liwanag
Sa kabila ng pangangapa sa dilim
