Wala akong nagawa noong araw na nakita kita sa isang sulok
Umiiyak habang binabato ng mga salitang tila kutsilyo kung tumusok
Ni isang hakbang ay hindi ako umabante para sumubok
Imbes ay hinayaan lang kita sa kamay ng mga nabubulokWala akong nagawa noong pinatid ka nila sa daan
Pati na rin noong dinala ka nila kung saan para saktan
Wala akong nagawa kundi ikaw ay lampasan na para bang wala akong nakitang kung anumanWala akong nagawa noong ikaw ay nagiisa
Habang sila'y binigyan ka ng mga sugat at pasa
Wala akong nagawa habang sumisigaw ka ng tama na, ayoko na
At sila nama'y natutuwa na para bang ikaw ang taga-aliw sa palabas nila.Pinipilit itago sa iyong bawat ngiti lahat ng sakit
Pisikal, mental, emosyonal na hapdi
Umaasa na lang na isang araw ay darating
Si Superman, Batman, Darna, kahit pa si DingWala. Wala akong nagawa.
Mali pala.
Wala akong ginawa.Wala akong ginawa kundi tumingin sa malayo
Wala akong ginawa kundi tumingin sa mga mata mong sumisigaw ng saklolo
Wala akong ginawa kasi natatakot ako
Wala akong ginawa kasi ayokong masangkot sa gulong ganitoSana'y naging mas malay ako sa katotohanan
Na hindi dahil hindi ko naranasan ay hindi ko na pagtutuunan
Sana'y nakapagtanggol ako, kahit hindi sa kaibigan
Ngunit ako'y naduwag at umatras na lamangNgayon, ikaw ay tuluyan nang bumigay
Nagpakain sa madilim na parte ng buhay
Napagdesisyunang wala nang saysay
Kaya ang halaga'y ibinaon na lang sa hukayAraw-araw man akong magsisi
Hindi ko na mababalik ang dati
Hindi ko na mababago ang nangyari
Hindi na.Pero ang alam ko, hindi pa huli ang lahat.
Hindi pa huli para sa akin
Hindi pa huli para sa iba.
Hindi pa.