O, aking sinisinta
Ano nang nangyari sa ating dalawa
Pagmamahalang ipinangako hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ngayo'y isang mumunting alaala na lang
Anong nangyari sa iyong ganda?
Lalong kuminang ngunit tila walang sigla
Para sa utang na loob mo sa kanya
Tunay na pag-ibig ay iyong inabanduna
Sinta, ako'y hindi na maghihintay
Tatanggapin na lang ang tadhanang ibinigay
Dito kung saan nakahimlay
Puso kong wala nang malay
Hanggang dito na lang, sinta.
