Kaya Mo Na Ba?

23 4 0
                                    

Kaya mo na bang kalimutan ang nakaraan at magsimula ng bago?

Kaya mo na bang kalimutan ang bawa't alaalang pinagsaluhan niyo?
Kaya mo na bang sa paggising mo, hindi siya ang unang sumasagi sa isipan mo?
Kaya mo na bang harapin ang bawat araw na hindi na sabay ang ritmo ng mga puso niyo?

Kaya mo na bang makita siyang may kasamang iba?
Kaya na ba ng puso mong madurog habang siya'y masaya?
Kaya mo na bang palitan ang tayo sa wala na?
Kaya mo na bang bitawan ang damdamin mo para sa kanya?

Hindi ito magiging madali.
Marami pang luha ang papatak sa sahig
Marami pa ang alaala ang babalik na magpapatagal sa paghilom ng sugat diyan sa iyong dibdib

Ngunit ito lamang ay sa una.

Siguro dahil sa lalim ng sugat mo'y akala mo hindi na ito gagaling
Sa sobrang sakit nito'y gusto mo na lang itong mamanhid dahil hindi mo alam kung ito pa ba'y mawawala o hindi.

Iyan lamang ay sa una.
Dahil balang araw, matatanggap mo rin na hindi kayo para sa isa't isa.

Balang araw, tatawanan mo na lang ang pagiyak mo sa kanya

Balang araw, damdamin mo para sa kanya'y maglalaho na

Balang araw, hindi na sa kanya iikot ang iyong mundo

At balang araw, maiintindihan mo rin kung nakit hindi kayo.

Hindi natin masasabi kung kailan, pero panigurado ito'y darating
Masakit man sa una, ngunit hindi ito ang huli
Minsan ang akala nating wakas ay pagtatapos lang pala ng isang kabanata, hindi ba?

Ngayon, kaya mo na bang kalimutan ang nakaraan at magsimula ng bago?

Kakayanin.

WrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon