001

58 0 0
                                    

"Oh anong ganap mo't nandito ka sa harap ng beauty ko?" tanong ni Kathy kay Minnie pagkatapos niya itong pagbuksan ng pinto ng bahay nila. Kasi naman ang loka-lokang Minnie, ala sais palang ng umaga nag eeskandalo na sa tapat ng bahay nila. "Alam mo ba kung anong araw ngayon aber? Linggo ngayon teh, linggo!" sabi niya habang nakapamewang sa bwisita na humahagikhik pa.

Pero dinedma ni Minnie ang beauty kuno niya at dire-diretsong umupo sa sofa nila. "Asan si Tita Karina at Tito Karlos? Pati na rin si Kiko my labs?" tanong ni Minnie habang palinga-linga pa sa bahay nila.

"Hoy bruhilda, hindi mo pa sinasagot ang questionnaire, anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?"

Kunwari pa'y nasaktan si Minnie sa asal ng bestfriend, "Naman teh! Amnesia girl ka?"

Hindi naman naintindihan ni Kathy ang sinabi ng bwisita niya a.k.a. ang bestfriend niya since gr. 3 na si Minnie. Na amnesia girl siya? Bakit, may nakalimutan ba siyang importanteng bagay o okasyon ngayong araw? Napatingin siya sa kalendaryo nila.

"Birthday mo?"

Umiling si Minnie.

"Birthday ko?"

Umiling ulit si Minnie.

"Friendsary natin?"

Umiling nanaman si Minnie.

"Aha! Alam ko na..." Para namang may lumitaw na light bulb sa may uluhan niya. "Death anniversary mo?"

Napasimangot naman si Minnie sa sinabi niya. Eh bakit ba? Wala namang okasyon ngayon ah? Basta ang alam niya linggo ngayon at natutulog siya ng mahimbing nang biglang may bwisitang dumating na nag ngangalang Minnie.

"Ewan ko sayong engot ka. Where na muna ang mga people na kasama mo?"

"Wala si Mama at Papa, may business trip. Si kuya mahimbing na natutulog. Bakit ba kasi?"

Bigla namang numingning ang mata ni Minnie nang marinig niyang natutulog ng mahimbing si Kiko, ang long time crush niya na hindi naman lingod sa kaalaman ni Kathy. Tuwang-tuwa pa nga sila kasi pag nagkatuluyan si Kiko at Minnie edi mag sister-in-law ang drama nilang dalawa. Pero parang malabo yun kasi hanggang nakababatang kapatid lang ang tingin nito kay Minnie.

"Hep hep hep! Bago ka pa mag-isip ng kung anu-anong kahalayan, ano ngang pinunta mo dito?"

"Kasi naman babaita! Nakalimutan mo na?"

"Malamang sa malamang, kaya nga kita tinatanong diba?"

"Eh kasi naman... wala lang."

Hindi naman nag aksaya ng panahon si Kathy na kaladkarin palabas ng bahay nila si Minnie. "Umalis ka na bago pa kita palipatin sa pluto."

Napabungisngis naman si Minnie at kumawala sakanya, "Eto naman di mabiro! Eh kasi naman diba ngayon tayo pupunta sa wishing well? Diba? Diba?"

Naalala naman tuloy niya ang pustahan nilang dalawa, kung sino ang mas mataas na score sa quiz nila sa math, pweding mag-utos ng kahit ano. At sa kamalas-malasan, nakakuha siya ng four out of fifteen items. Eh bakit ba? Eh sa hindi kinakaya ng utak niya ang math eh. At ang score ni Minnie? Tumataginting na five lang naman.

"Ano bang meron jan sa wishing well na yan at parang kating kati kang pumunta? Pwede mo naman akong maging slave, maging katulong, mga ganun ba." pang susuggest niya pa.

"Ano ka nasa wattpad? At isa pa, sayang beauty mo kung mahing slave ka lang."

"Ay tumpak ka jan. Kaya kita nag bespren e."

---

"Sigurado ka ba dyan?" tiningnan ni Kathy kung ano ang ginagawa ni Minnie. Ayun, hinahagis niya ang isang piggybank sa isang wishing well. Eh gaga pala 'to eh, halos isang libo ang halaga nun noh!

"Shunga ka teh?" sinapak niya ito. "Pwede na 'yang panchibog tapos itatapon mo lang dyan. Bakit? Sigurado kang matutupad ang wish mo?"

"Anukaba Kathy! Puro nalang pagkain ang nasa isip mo." inirapan siya niyo at pinagpatuloy ang pagtatapon ng barya, "Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?" pang uurat nito sakanya.

"ANONG WALA? Marami Minnie, marami!" inirapan ko rin siya. "Naiisip ko palang ang baby back ribs... Nanghihinayang na ako! Tenderloin tips, cordon bleu at crispy pata! Plus yung fishball, kikyam at kung anu-ano pa!" sabi niya with hand gestures pa. "Jusko mamatay na ako!" at umarte pa siyang nahihimatay.

"Ang O.A. mo! Pera ko naman ang masasayang, hindi iyo!"

"So inaamin mo na nagsasayang ka ng pera?"

"Ugh! Nakaka-inis ka na!"

Humagalpak na siya ng tawa habang pinupulot ni Minnie ang mga baryang itinapon nito sakanya. Nandito sila ngayon sa likod ng school at naghuhulog ng mga barya sa tanyag na Wishing Well chuchu. Marami kasing nagwiwish dito at natutupad daw. Minsan nga higit pa daw sa hinihiling mo ang ibibigay sayo. Pero weh? Yung totoo? Nangyayari talaga yon?

"Sana makapasa ako sa exam bukas... Sana mapansin na ako ni crush... Sana tigilan na ni Kathy ang pagkain ng marami... Sana maging pinakamahanda ako sa lahat... Sana may lechon sa bahay... Sana---" hindi ko na pinansin ang mga winiwish ni Minnie. Alam ko naman na ni isa sa mga winish niya eh walang magkakatotoo. Pinapabayaan ko lang siya magpakabobo sa wishing well na ito. Nakakaaliw rin naman eh.

Pinagmasdan ko lang ang wishing well. Sobrang luma na ito pero malinis naman. Ang sabi-sabi ng mga matatanda, may nagbabantay daw na diwata dito. Isang napakagandang diwata... Weh? Baka naman ako yun? Chos.

Ang sabi naman ng ilan, may nagpakamatay daw na babae dito. Nagpahulog diyan sa wishing well kaya namatay at hindi na nahanap ang bangkay. Pero ewan ko lang ha. Hindi ko naman alam kung ano ang totoong istorya sa hindi eh.

Pinanuod ko lang si Minnie na magkadikit ang dalawang kamay at nakapikit na parang nagdarasal habang taimtim na sinasabi ang mga hinihiling niya. Sumilip lang ako sa butas ng wishing well. Hindi ko maaninag ang mga hinulog na bayra ni Minnie kahit malinis naman yung tubig. Napaka-lalim talaga siguro ng balon na ito.

"Oy tigilan mo na nga 'yan." hinigit ko siya palayo sa wishing well. Pero ang bruha nagmamatigas, "Isa! Ilulublob kita jan!"

"Hay naku gurl! Subukan mo na rin kasi! Dami mo pang cheche bureche jan."

"Wag mo akong itulad sayong leche ka. Umuwi na tayo! Anong petsa na oh? May pasok pa tayo bukas!" walang choice si Minnie kundi sumama saakin. Aba naman kinaladkad ko na siya paalis dun, makapalag pa ba siya?

Pero naka-uwi na ko't lahat lahat, hindi matanggal sa isip ko yung wishing well. Paano kung totoo pala yun? Hay nako!

Ang Paghahanap sa Nawawalang BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon