Lunes nanaman at wala namang nangyari sa mga hiling ni Minnie. Sabi niya nga babalik daw kami sa wishing well para maghulog ulit ng pera. Ayun, nabatukan ko tuloy siya.
"Today, we will discuss about Chenelorvaring and Chakamuchuchu..." nagdidiscuss si Sir Cang Cung, ang aming history teacher, nang may biglang nag abot ng maliit na yellow paper saakin.
'Para saaking napakagandang kaibigan na nagngangalang Katherine...' yan ang nakasulat sa ibabaw ng papel. Nilingon ko naman si Minnie dahil sa likod siya nakaupo at ang loka nakangiting weirdo, yung parang may masamang balak. Lintik talaga 'to si Minnie. Sinabi nang hindi pwede ang communication through paper habang may nagdidiscuss na teacher. Todo-todo pa ang chika, may kasama pang pambobola.
Agad ko namang binuksan ang papel at binasa ito ng patago.
'hH0yzxs kH4tHi3y, kNh0w1NgZxsxx mHuh Nh4bh@H 4ng Ch1zsxm4X?'
Bigla kong ginusot ang papel at binato kay Minnie. "ARAAAAAAY!"
"Are you okay Ms. Da Pooh?" naagaw ni Minnie ang atensyon ni Sir Cung. Leche talaga to si Minnie. Sinabi ng huwag niya akong jinejejemon at isa-isa kong ihahamapas sa mukha niya ang mga librong encyclopedia. Anak ba talaga 'to ng mayor?
"Excellent Sir! I'm... I'm perfect Sir! Don't worry about my beauty. I'm fantastic! Bravooo!" palusot ni Minnie habang hinihimas-himas niya ang kanyang ilong na natamaan. Weh. OA ni Minnie papel lang naman yung tumama sa ilong niya.
"Ahm. O-okaaay." sabi ni Sir with a 'sure-ka-ba-sa-sinasavi-mo-o-chinichemberlung-mo-lang-kami?' look. Pati nga mga kaklase namin parang nawiweirduhan kay Minnie. Si Minnia naman sinamaan lang ako ng tingin.
Nag turo ulit si Sir sa walang katapusang history ng lugar namin, "So as I was saying, Liwayway Pugiteria is known as our city's greatest heroine back in 1251. Before the spaniards came to our country, it was said that..."
Napatigil ako sa pakikinig kay Sir dahil may nag abot nanaman ng papel saakin. Nilingon ko agad si Minnie para samaan siya ng tingin pero nakita kong nakatingin at nakikinig naman siya kay Sir. Tiningnan ko ulit yung papel at tumingin ulit kay Minnie pero nakikinig pa rin siya kay Sir.
Sino naman kayang nagbigay saakin nito? Kung hindi si Minnie, eh sino?
To: You.
Yan ang nakasulat sa ibabaw ng papel. Binuksan ko ang papel at binasa ito ng patago.
'Hey, pwede ba kitang mayayang maglunch? I have something to tell you. Wala kasi akong number mo kaya hindi kita ma-contact. Can I have your number? So you can call me beybeh?'
OMG. At kanino naman to galing? For sure hindi ito galing kay Minnie kasi buo ito magsulat eh. Hindi jeje. Matingnan nga sa likod kung sino ang nagbigay...
'-Xerox'
Muntik na ako tumalon sa fifth floor kahit na nasa ground floor naman kami dahil sa nabasa ko. OMAYGAAAAAAAAAD! I can breath! I can't breath!!! I'm gonna, I'm gonna die! Ay loka loka, ayoko pa mamatay 'no. Hindi matutuloy ang lunchdate namin ni Xerox! Pagkatapos nalang ng lunchdate.
Nilingon ko naman si Xerox. Nakatingin lang siya saakin at nakangiti. Bigla naman akong napaiwas ng tingin at namula. OMG, I feel lika a kamatis na. And I was like, KILIGMUCH!
"Miss Jimenez?" bigla naman akong napatayo. "Yes, sir?"
"Please define the word, LISTEN." nakakunot noong sabi ni Sir Cung. Uh Oh. Mukhang mapapatrouble ata ako ah.
"Ahm..." ano ba yan, grade 9 na ako pero di ko pa rin alam ang meaning ng listen. Kung bumalik kaya ako sa kinder?
"I'm waiting..." Ay letche. Bahala na si Liwayway Pugiteria!
"It is a song Sir." at nagtawanan naman ang buong klase. Pati si Minnie nasampal pa ang mukha ng katabi niya habang tumatawa. Si Xerox naman, tumatawa din.
Bigla naman sumama ang mukha ni Sir, yun bang parang galit na galit na. Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko? Tama naman ah. Kanta yun diba?
"What's so funny over there?!" sigaw ni Sir kay Minnie at sa lalaking nasampal niya. Napatigil naman sa pagtawa ang buong klase at nanahimik sa sinabi ni Sir.
"Miss Jimenez, nagtuturo ako dito ng maayos. Ineexplain ko pa ng bawat word na sinasabi ko eh. Now tell me, what is the definition of the word listen? Tutal pagod na naman ako kakaexplain kahit wala namang nakikinig, eh ikaw naman ang magexplain saakin kung ano ang meaning ng listen. Explain to me!" galit na sigaw ni Sir Cung.
Sikat si Sir Cang Cung bilang chinese-filipino na nagtuturo ng history ng aming lugar. Nabalitaan ko nga na masama daw galitin si Sir dahil mahilig daw itong magpahiya ng mga estudyante. Oh well, papel. Good luck nalang sa beauty ko.
"Now you cannot answer? What are you? A 1 year old baby na hindi alam ang meaning ng listen?! Kung ibalik kaya kita sa kinder?!" actually, naisip ko na din yan Sir. "Your grades are perfectly fine and I wonder why! Why do you have a passing grade in my subject even though you are not listening to me?!" Uh oh. Nakalimutan ko na mahilig din pala si Sir magbigay ng mabababang grades.
"Ace, please stand and tell Miss Jimenez, Katherine the meaning of the word listen." sinabi yun ni Sir habang nakatingin pa rin saakin.
Si Ace, Ace Hardwhere, ang consistent top 1 sa batch namin. Napakatalino kasi niya at seryoso. Masasabi kong suplado din siya dahil hindi siya nag eentertain ng tao. Kumakausap lang siya kapag kailangang kailngan lang. Well, aaminin ko... Gwapo din siya. Ngayon ko palang siya naging classmate kaya di ako sigurado sa mga chismis sakanya.
Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin kay Sir, bumuntong hininga muna siya at sinabing "Listen. L-I-S-T-E-N. Listen. It is a word that consists of six letters, four consonants and two vowels..."
HAHAHAHAHAHA. Gusto kong matawa sa sagot niya. Kita ko naman kay Minnie na pinipigilan niya lang ang tawa niya dahil panay ang sampal niya sa katabi niya. Pero walang nangahas na tumawa. Eh mas pang bobo naman yung sagot niya eh ba't ako lang ang tinawanan nila? Ba't siya hinde??
Tumingin siya saakin, parang nilamig naman ako sa sobrang cold ng tigin niya "... It means to pay attention to someone or something in order to hear what is being said, sung, played, etc. Also used to tell a person to listen to what you are saying. Another is to hear what someone has said and understand that it is serious, important, or true. It can be a transitive verb, which means to give ear to or hear, or a intransitive verb which means to pay attention to sound or to hear something with thoughtful attention or to give consideration or lastly to be alert to catch an expected sound. It is firt used before 12th century. Synonyms of it are attend, hark, harken, hear, hearken, heed, mind, prick up one's ears and antonyms are ignore, tune out."
NGANGA. Yan ang right term na magdedescribe sa aming lahat. Ang galing! Ang galing niya pramis! Hindi ako makapaniwala na memorize niya yun pero naniniwala na ako na siya nga ang top 1 ng batch namin. Ngumanga muna kami ng 1 minute at biglang nagpalakpakan dahil sa sinabi niya.
"Very well said Mr. Ace Hardwhere!" pagpupuri sakanya ni Sir Cung. Parang nakalimutan niya na ang galit niya saakin dahil sa pagkamangha kay Ace. Sino ba namang hindi mamamangha diba? Parang cinopypaste lang galing sa dictionary eh.
*kringgggg kringggggg kringgggg. Bell na po, bell na*
"Okay. Class Dissmissed!" nag unahan naman ang mga kaklase ko lumabas habang ako nakatingin parin kay Ace habang nakatayo.
Nakikita ko sa gilid ng aking mata na tumakbo na din palabas si Minnie. Siguro tinawag ng kalikasan kaya nagbanyo. Nakatingin parin ako kay Ace na ngayon ay nililinis ang kanyang bag dahil nakalagay ito sa sahig. Niligpit niya ang mga gamit niya at nilagay niya ang kanyang ballpen sa bulsa na polo niya. Dahan dahan naman siyang lumabas at dahil malapit ako sa pinto, nagdikit ang mga uniform namin bago siya nakaalis.
Naiwan ako dun na nilalanghap ang amoy ng pabango niya kahit wala na siya. In all fairness, ang bango.
BINABASA MO ANG
Ang Paghahanap sa Nawawalang Ballpen
RomanceNang dahil sa isang letcheng ballpen, nagbago ang lahat... Nang dahil sa isang pesteng ballpen, nanganib ang buhay ko... Nang dahil sa isang bwisit na ballpen, narananasan ko ang maraming bagay... Nang dahil sa ballpen ko... “Tuloooooong!”