Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Ang Paghahanap sa Nawawalang Ballpen
Written by: Sovereign★★★
"BALLPEN KOOOOO~!" umalingawngaw ang sigaw ni Kathy sa buong museum. Pinagtinginan nalang siya ng maraming tao at wala siyang nagawa kundi mag peace sign. Y(^_^)Y
"Minnie! Minnie! Yung ballpen ko? Asan na yun?" kinapkap ni Kathy lahat ng pwedeng makapkapan. Hindi niya pa rin mahanap si ballpy. Sa laki ba naman ng museum na 'to, at sa dami ng estudyanteng naglilibot imposibleng makuha niya pa ang ballpy niya.
"San mo ba kasi nilagay?"
"Ewan ko! Basta hawak hawak ko lang yon kanina e..."
Pinagmasdan ni Kathy ang paligid. Lahat ay busy sa pag seselfie at pagchichismisan. Mukhang wala na siyang pag asa na mahanap si ballpy. Frixion pen pa naman din yon, mahal yon!
Siya si Katherine Jimenez. Isang estudyante sa Munting Palad National Highschool. Halata naman na hindi masyadong mayaman ang pamilya ni Kathy. Sakto lang. Nakakakain pa naman siya ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag fb magdamag. May free wifi kasi ang kapitbahay nila, which is yung pamilya ng city mayor. Oh diba, bongga!
"Minnieeeeeeh! Tulungan mo ako! Mamamatay ako pag nawala yon. Wala na akong extra ballpen! Pano na ako makakasulat? Pano na ang pag aaral ko? Pano na ang kinabukasan ko?!?!" Madramang nagdabog si Kathy with feelings. Pinagtinginan ulit siya ng tao, pero this time nag bow naman siya dito.
"Hanuba! Wag kang kumapit saakin, baka akalain nila best friend kita simula gr. 3. Sobrang nakakahiya yang pagmamaktol mo ah. Tigilan mo yan. Shonga ka?" inirapan naman ni minnie si Kathy.
Si Minnie Da Pooh naman ang may ari ng free wifi na kinokunsumo ni Kathy araw araw. Yes naman tumpak! Siya lang naman ang isa sa tatlong anak ng mayor ng lugar nila. Siya rin ang bestfriend ni Kathy simula gr. 3.
Kasalukuyan silang nasa isang fieldtrip kung saan pumunta sila sa pinasikat na museum sa lalawigan nila. Naroon ang mga lumang bagay na pagmamay ari ng mga ninuno nila.
Konting konti nalang talaga at mawawalan na ng pag asa si Kathy pero nakita niya yun sa sahig malapit sa isang gintong kabayo. Maraming tao sa parteng iyon kaya mahihirapan siya sigurado.
"Ballpen! Hintayin ma ako~!" ngingiti ngiti si Kathy habang papalapit siya ng papalapit sa ballpen.
...Pero may sumipa doon.
"Ay jusme santisima immaculada! Baakeeeeet?!?" unti unting nilingon ni Kathy ang hudas barbaras na sumipa ng frixion pen niya. Pero bakit ganon? Tila nag soslow motion ang lahat...
Kaya naman pala. Si Xerox, ang ultimate crush niya, ang nakasipa dito.
"Uhm... Bakit Kathy?" litong tanong ni Xerox kay Kathy na kasalukuyang nakatanga sa harap niya. Walang maintindihan si Kathy sa mga pinagsasabi ng mga tao. Pinagmasdan niya lang ang pimple-less na mukha ni Xerox.
Tang ama! Mabuti pa si Xerox hindi tinutubuan ng pimples, eh siya? Well hindi rin naman. Pero si Minnie, oo. Hahahahaha. Napatawa naman siya sa pag iisip ng pimpoling mukha ni Minnie.
"Kathy!" nabalik naman siya sa katinuan nang sigawan na siya ni lavidabs niya. "Ay sorry, sorry! Sorry talaga Mr. Kapi. May dumi ka kase dito ih..." sabay punas 'kuno' sa gilid ng labi ni Xerox. Tang landi ng batang ire. Sarap sapakin ng dos por dos sa pupil. Leshe, sa gilid pa talaga ng lips eh noh? Chansing din pag may time.
"Ahhh hehe. Wag naman Mr. Kapi, Xerox nalang. Masyado namang pormal ang Mr. Kapi." at tuluyang nahulog ang panty ni Kathy sa ngiti ni Mr. Xerox Kapi.
"Yung ballpen ko!" bigla namang nilayasan ni Kathy si Xerox ng matandaan niya ang tunay niyang pakay. Ang mahiwagang ballpen, na mahal. Frixion pen yon! Mahal yon!
"Ms. Jimenez! It's not allowed to run around the museum. Baka may matamaan ka, be careful!" narinig niyang sigaw ni Ms. Vayavaz, ang adviser nila.
Parang walang narinig si Kathy at dire-deretso niya lang hinabol ang ballpen niya. Nagpagulong gulong ito kung saan saan. Sa ilalim ng mesa, sa mga statues, sa mga pigurin... At lumabas ito sa museum.
"Ballpen ko! Anuva! Ang kulit din ng lahi mo noh?" patuloy lang siyang naghahabol sa ballpen.
Nang biglang tumigil ito...
At nahulog sa isang butas sa lupa.
"Bwiset! Pano ko na makukuha yon?" sinilip ni Kathy ang butas. Para itong manhole. Madilim ang butas pero unti-unti itong lumiliwanag...
SHT! Unti-unti itong lumiliwanag!! Pano nangyari yon!?!?!?!?
At dahil sa fiction ang story na ito at tanga ang character, yung parang nasa horror movie lang, mas lumapit pa si Kathy sa butas...
At poof! Syempre natalisod siya at nahulog doon.
THE END.
Ang paghahabol sa mahiwagang ballpen. Bow.
At syempre echos lang yon.
Di pa de end noh. Eggzoited lang teh?
ITO, ang tunay na nangyari...
BINABASA MO ANG
Ang Paghahanap sa Nawawalang Ballpen
RomanceNang dahil sa isang letcheng ballpen, nagbago ang lahat... Nang dahil sa isang pesteng ballpen, nanganib ang buhay ko... Nang dahil sa isang bwisit na ballpen, narananasan ko ang maraming bagay... Nang dahil sa ballpen ko... “Tuloooooong!”