003

40 0 0
                                    

"Alam mo Minnie wala kang mapapala diyan sa ginagawa mo." pinanuod ko lang si Minnie habang isa isa niyang hinuhulog ang mga ipon niyang piso sa wishing well. Yes naman tumpak, walang katapusan na umaasa si Minnie na matutugunan ng wishing well ang mga hiling niya.

"Sana po maging top 1 ako sa klase, Sana maging uod yung teacher namin sa Math dahil pinahirapan niya ako sa test kahapon, sana maging pangit si Kathy-AAAAHHH!!!" ayan tuloy muntik na siyang mahulog sa wishing well. Naman kasi winish pa na sana maging pangit ako, nabatukan ko nanaman tuloy siya. Hindi na nadala sa mga batok ko eh. At ang gaga winish pa maging top 1 sa klase. Ni maging top 20 nga, hindi niya magawa. Top 1 pa kaya? Ingudngod ko kaya siya sa dictionary nang matauhan sa kahibangan niya.

"Punyeta hindi mo naman ako ininform na may balak kang patayin ako. Girl, sayang naman ng beauty ko. Maawa ka naman kay James Reid at Iñigo Pascual! Wala na silang mapapangasawa pag nawala ako." sabay flip niya ng hair at tawa ng malakas. Oh tingnan mo nga naman to. Kanina pinangarap na maging top 1 tapos ngayon ganyan?

Nakita niya yata ang hindi maipintang mukha ko kaya nagsalita ulit siya, "Ito naman kung makareak! Sarap mong sabunutan sa kilay bwisit na to."

"Akin na nga yang baboy na tumatae ng barya," sabay hablot ko ng piggybank niya "Hindi mo ba alam na pinaghihirapan ng mga magulang natin ang pera? Tapos ikaw tinatapon tapon mo lang jan. Huwag kang magsayang ng pera bh3, wag!" Sermon ko sakanya. "Wag kang ano jan Minnie. Pwede pa natin tong pang crispy pata, krispy kreme..." sabi ko sabay taas-baba ng kilay ko.

Nagulat nalang ako nang binatukan niya rin ako, "Sinasabi ko na nga ba at pagkain nanaman ang nasa isip mo! Halika ka na nga at malelate na tayo!" hindi na ako nakapagsalita dahil kinaldkad niya na ang beauty ko patungo sa eskwelahan namin.

"So today I have an announcement..." hindi nanaman ako nakikinig sa teacher namin, as usual. Mabuti naman at nag absent si Sir Cung kasi hindi pa ako nakakamove on sa nangyare kahapon. Ikaw ba naman mapahiya sa klase niyo at nandun pa yung crush mo? Tungunu lang diba. Maskit teh, masakit! Na ka ka hi ya as in. Sarap gawing uod ni Sir, bwiset.

"The long wait is over! Finally the school board has decided na magkaroon ng fieldtrip this Saturday! Are you excited?" tanong saamin ng substitute teacher na hindi ko kilala at huwag nang pangalanan pa at ngayon lang naman ang exposure niya sa kwento.

Bigla namang naghiyawan ang mga kaklase ko. Bihira na kasi sa dito ang magfieldtrip. Balak nga sana alisin yan kasi marami na raw aksidenteng nangyayari kapag nag fifieldtrip. Pero dahil matitigas ang mga bungo ng mga estudyante at nagawa pa nilang mag rally sa harap ng office ng principal at nakakaproud dahil hindi ako kasama dun, si Minnie lang, nagpagdesisyonan ng board na walang tanggalan ng fieldtrip na mangyayari.

"Okay, okay. Calm down people of the world. Pupuntahan natin ang pinakatanyag na museum sa ating lalawigan, which is matatagpuan sa pinakadulo ng nitong bayan natin ." nagulat ang iba sa mga kaklase ko. Bihira lang kasi ang dumadayo sa museum na iyon. Masyadong liblib ang lugar kung saan ito nakaapak.

"Wow! Sigurado akong adventure ito. Balita ko maganda daw doon, parang paraiso!" sabi ni Mac, ang president namin.

"You're correct Mac. Kaya nga napag desisyunan ng board na doon nalang kayo mag fieldtrip dahil hindi lang kayo doon makakapag enjoy kundi may matututunan pa kayo tungkol sa history ng ating bayan."

"Naku! Super duper ultra mega excited na me para sa fieldtrip! I'm sure mag eenjoy tayo doon! Sige aalis na ako ha? Byeeeee! " sabi saakin ni Minnie habang papalabas na kami ng classroom. Lunchbreak na at sabi ni Minnie uuwi daw siya kaya mag isa lang ako maglalunch ngayon.

"Kathy!"

Ay chaka! Sino naman yung bwiset na tumawag saakin? Nagulat tuloy ako. "Ay sorry Kathy, nagulat ba kita?" Lumapit saakin si Xerox at ikinatuwa niya pa ata ang nangyari.

Leche hindi. Hindi mo ako nagulat. Obvious naman itatanong pa. Pasalamat ka gwapo ka. "Ah hindi naman." pagpapacute ko. Anuva! Kinikilig ang lungs ko dito. Bakit ba ako kinakausap ni Xerox?

"Naku, mukhang nakalimutan mo na yung lunchdate natin ah." sabi niya sabay kamot ng batok niya. Leche naman oo! Ba't ang gwapo? Yung tataa? Ano ang makati jan at ako ang kukuskos niyan. Charot. Bwisit na isip to, sampalin kita jan gamit ang electric fan eh.

Teka... Ano daw?

Lunchdate? Ano yun? Nakakain ba yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Paghahanap sa Nawawalang BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon