Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. At madami pa ni hindi ko na mabilang ang sunod sunod na sampal sa akin ng aking nobya. Daig pa ang bagyong millet kung makahampas dahil sa nagawa ko sa kanya.
“Skyflakes! Mahal pakiusap naman pakinggan mo ako. Mali lahat ng nakita mo.” sabi ko sa aking nobyang si Skye.
Nga pala ako si Raven Kyle De Marisco ng Wattpad Monarch. Magkatrabaho kami niyan ni Skye dun ko siya nakilala, nakasama at nagustuhan. Hindi dahil sa maganda lamang siya kundi tagos hanggang buto ang kabaitan niya ngunit siguro nasagad ko na ang pasensya niya.
“Skyeflakes! Hintayin mo naman ako. Magpapaliwanag ako.” sabi ko habang hinahabol ang aking hininga. Kanina pa kasi siya tumatakbo ako naman itong sunod ng sunod sa kanya.
Saglit siyang tumigil ngunit hindi siya humarap sa akin. Napahawak ako sa aking tuhod hingal na hingal na ako sa kanya kakasunod. Mabuti naman at tumigil na siya mukhang di ko kakayanin kapag nagpatuloy pa siya.
Huminga muna ako ng malalim. Nag iipon ng lakas ng loob upang makapagsalita sa kanya ng maayos. Hanggang ngayon ay nagsisisi ako kung bakit di ko nagawang pigilan ang dati kong kasintahan na halikan ako kanina.
“Sorry…” tanging nasabi ko.
“Huh! Hahahaha!” may pang uyam sa tinig na tawa niya.
“Yun lang ba ang sasabihin mo? Maaari na ba akong umalis.” Sabi niya ng hindi ako nililingon.
Narinig ko ang kanyang paghikbi. Nakita kong iniangat niya ang kanyang kamay upang punasan ang kanyang mukha. Nasisigurado ako umiiyak siya.
Napamura ako ng mahina. Hindi ko ginusto ang mangyari ito. Pero alam ko nagkamali ako. Nagkamali ako. Wala akong intensyon na saktan siya o kahit man lang makitang nasasaktan siya ay tila pinupunit na ang aking puso at kaluluwa.
Humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Sorry.. sorry.. sorry..” paulit ulit kong sinasabi hanbang nakayuko sa kanyang braso. Hindi ko na napigilan pa ang paglandas ng mga luha ko sa pisngi. Isa lang ang nasisigurado ko. Ayaw kong mawala siya sa buhay ko.
Umalis siya sa aking pagkakayakap at hinarap ako. Ngumiti siya ng mapait at kasabay nito ang sunod sunod na sampal sa akin. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. At madami pa ni hindi ko na mabilang ang sunod sunod na sampal sa akin ng aking nobya. Daig pa ang bagyong millet kung makahampas dahil sa nagawa ko sa kanya.
Kayang kong tanggapin ang lahat ng iyon. Halos mamanhid na nga ang aking pisngi pero tinitiis ko. kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Hindi rin nagtagal ay napagod siya. Niyakap ko na lamang siya. Humagulhol siya sa aking dibdib.
Patawarin mo ako. Ito ang nais kong sabihin sa kanya. Ngunit tila hindi ko ito maisantinig. Tumingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napagtanto na nasa gitna pala kami ng kalsada. Walang tigil sa pagbusina ang mga sasakyan. Marami sa amin ang nagtitinginan. Maya maya ay naramdaman ko ang pagtigil niya sa pag iyak at napagtanto kong wala na siyang malay.