Entry #4: It Started with Boys Hunting

133 7 5
                                    

"Hoy! Bumangon ka na d'yan. Aba! Kailan pa huling bumangon ang isang alipin?" sigaw ng magaling kong ina.

Binuksan ko ang pinto.

"Humayo ka't kumain ng corned beef. Pagkain ng mga hampaslupa!" lakas maka-acting ni inay.

"Ma! Tigil-tigalan mo nga kakatingin ng facebook ni Senyora Santibanez. Hindi sayo bagay maging Donya, pang-alipin ka lang" Bulyaw ko kay inay. Paano kasi, nag-aadik sa facebook pero farmville pa rin nilalaro.

"Tigilan mo rin ako ah! Baka hampasin kita ng kama d'yan. Mag-ayos ka na't pumasok. H'wag pabebe. Tama na ang chaka rest." Pabagets din 'to si ina e.

"Ma, saglit lang. Ime-message ko lang si boyfie sa FB." masayang pahayag ko kay ina.

"Nak' magaganda't gwapo ang lahi natin pero hindi tayo ilusyonada nak'." Hinaplos pa ang buhok ko. "Bilisan mo't bumababa ka na."

In-open ko yung laptop  at nag-sign in. Tapos, click message.

'Good Morning Baves! Have a nice day.'

Sinend ko na kay Namu. Oo, kay Nam Woo Hyun. KaRS ko sa FB. OP lang yung naghahandle ng account niya. Pero parang siya rin. Ang sweet niya, parang pinag-aralan niya yung personality ni Namu kaya nakakakilig. Ang landi nga niya e. Lahat ine-entertain. Hahaha! Pero okay lang, basta sakin siya uuwi. Charought!

"Princess Skye Crimson!” Nagbubuga na ng apoy si ina.

"Ito na po! Bababa na!" sigaw ko pabalik.

Umalis na ko sa bahay. Actually nasa jeep na nga ako. Pababa na nga ako e.

"Para po!" sigaw ko kay manong driver.

Nasa harap na ako ng TUP. Dito ako nag-aaral, obvious ba? Taking up Computer Education. Second year College na'ko.

Nakita ko na ang dalawang bruha kong kaibigan. Sina Paris at Amber.

.

"Mga bruha!" tawag ko sa kanila.

Naagaw ko ang atensyon nila. Huminto sila sa pag-uusap at sabay napalingon sa direksyon ko.

"Oh, bakit pandak na bully?" sabay na asik ng dawalang bruha. Yan lagi ang banat nila kapag tinatawag ko silang bruha.

5"2' lang kasi ang height ko. Tapos malakas pa daw akong mang-bully. Ika nga nila, 'small but terrible.' Maliit na nga ako, pagpapa-api pa ba ako? Hindi na uso 'yon uy!

"Atleast, maganda!" sabay hawi ng mahaba kong buhok.

"Forfeited" nagtaas pa ng dawalang kamay, aminadong talo sa laban si Amber.

"Oh, ano sa atin, bakit wala pa kayo sa room?" pag-iiba ko.

WM 5K Members Celebration OneShot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon