"Raven, mahal kita. Can you be my bofriend?"
Tiningnan ko si Paris. Ang campus sweetheart ng school namin. Maganda. Sexy. Mayaman. Maarte pero mabait naman. Hindi katalinuhan pero hindi din naman bobo. Perfect girlfriend material na sana. Sa iba.
"Sorry. May mahal na ako eh."
Nakita ko siyang napatulala. Unti-unting namamasamasa ang mga mata niya. Alam kong iiyak na siya. Iyan naman ang kalimitang nangyayari sa mga babaeng nagtatapat sa akin kaya sanay na ako.
Ibinaling ko ang aking paningin sa ibang lugar at nagsimula nang umalis. Kahit naman sanay na akong makakita ng babaeng umiiyak dahil sa akin ay ayoko rin namang nakatanga lang ako sa mga pinaiyak ko. Mas lalong ayaw kong patahanin sila. Baka kasi ma-misunderstood nila, tatawagin pa akong paasa.
"R-Raven, teka.."
Nagulat ako ng yakapin ako ni Paris mula sa likod. Mahigpit siyang umakap sa katawan ko habang nakasubsob naman sa likod ko ang mukha niya. Ramdam kong nababasa na ng kunti ang damit ko. Dahil sa luha niya siguro.
"Bakit?"
"Mas maganda ba siya sa akin? Mas sexy? Mas mayaman, mas.."
"Kahit mas maganda o sexy ka pa sa kanya hindi mababago noon ang feeling ko sa kanya. Mahal ko kasi siya," ani ko habang mahinang inaalis ang mga kamay niyang nakaakap sa akin. "Kahit sino pang mas nakakalamang sa mahal ko na magtapat sa akin ng pag-ibig sa akin ay wala akong pakialam. Siya lang naman kasi ang hinihintay ko. Kung hindi siya, wag na lang."
Nang matanggal ko na ang kamay niya at aalis na sana ay hinawakan niya ang kamay ko. "Sino siya? Sino ang babaeng mahal mo?"
Nilingon ko siya. Napatingin ako sa punong malapit sa amin at dahan dahang napangiti nang pumasok sa isip ko ang ang pinakaimportanteng alaala ko sa lahat. Ang alaala kung saan nahulog ako sa isang babaeng kahit na kailan ay hindi pumasok sa isip kong mamahalin. Bumilis ang tibok ng aking puso. Binaling ko ulit sa kay Paris ang atensyon ko bago sumagot. "Shakespeare's wife."
Nakita kong tiningnan ako ni Paris na para bang nababaliw na ako. I shrug my shoulder and smile to myself. She will never get me. Afterall, it was a private joke I intend to never share with anybody other than the center of the joke, of course.
Unti-unti akong naglakad papunta sa hallway. Naghihintay na kasi sa akin ang bestfriend kong si Christian pati na ang mga kabarkada namin. Sigurado ako na pagkarating ko doon mamaya ay tatanungin agad ako ng mga baliw na iyon at kakantiyawang bakla dahil hindi ko na naman sinagot ang isa sa mga chick na nanliligaw daw sa akin.
Napailing lang ako.
Liliko na sana ako sa cafeteria ng mapatingin ako sa garden na nadaaanan ko. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siya. Parang nilagyan ng pandikit ang sapatos ko para hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo at na-mute ang lahat liban sa tambol ng puso ko.
Dugdug. Dugdug. Dugdug.
Parang lens ng camera na pumukos agad ang mga mata ko sa mukha niya. Sa mukha ng babaeng mahal ko.