Sus, Engkanto? Maligno? at kung ano-anong kakaibang nilalang? Hindi ako naniniwala dyan... dati.
Nagsimula ang lahat ng nagretreat kami sa may paanan ng bundok ng Makiling. Pinamamahalaan ito ng Augustianian Brothers. Isang simpleng 3 palapag na gusali. Sa labas naman ng gusali ay may mga obstacles na ginagamit sa exercise, ginawa daw kasi na kampo ito ng mga sundalo.
Medyo mataas na din ang bahagi ito ng bundok. Matatanaw mo na ang kabuuan ng Laguna de Bay. Malinis na hangin, tahimik, payapa at malayo sa kabihasnan. Ano pa bang hahanapin nyo?
***
Nagsimula ang umaga ng pag-iintayan namin sa simbahan. Bait namin no? Pero hindi masyado, tulad ng ibang kabataan na ang habol lang ay makapag overnight sa ibang lugar ang dahilan ng pagsama ko dito. Hindi pa ako mapapagalitan ng nanay ko dahil may parent's consent ang retreat na to galing sa org.
Binubuo kami ng ibat ibang level ng istudyante. At nung sakayan na sa jeep, syempre dahil senior na kami ng tropa, naging kumpleto kami sa isang jeep. Ayaw na nga sumakay ng mga lower batch kaya ang luwag ng jeep namin.
Hindi lang overnight ang habol namin dito. Hindi kami dumayo sa paanan ng Makiling para lang matulog overnight. Syempre walang tulugan 'to. Sa atin lang to ah, bumile kasi kami ng isang 2 litrong empirador bago kami pumunta sa simbahan. Ineexpect nadin kasi namin na hindi na kami palalabasin ng retreat house para bumile. Hindi nga kami nagkamali, 30 mins away pa ang pinaka malapit na tindahan.
Pagdating namin sa entrance papunta sa retreat house ay malayo papala ang ito sa tutuluyan namin. Hindi sementado ang kalsada at napuno ng mga puno ang tanawin. May mga onti din naman nakatira at may mga batang naglalaro. Meron pa ngang makukulit na bata na naglalaro ng bola ng basketbol. Bigla nalang tumalsik papunta sa kalsadang dinadanan ang bola. Parang walang pake ang bata at tumakbo para kunin ang bola. Nasanay lang ata talaga yung bata na basta-basta tatakbo sa kalsada. Sino ba naman ang pupunta dito maliban sa magreretreat. Gubat na kaya ito.
Kinuha lang ng bata ang bola. Tumingin pa nga siya sa amin pagdampot. Hindi agad umalis at tumawa pa. "Lintek na bata to, ayaw pa tumabi. Nakabitin ang jeep, ang tarik dito. Baka mabanga natin yung kasunod sa likod" sabi ni manong driver.
"Yan tinawag na nung ate." sabi kay manong driver.
Dali dali naman bumalik ang bata sa kalaro at ate nya na kasing edad namin. Nag kawayan pa sila sa amin na tila mga artistang kumaway sa fan. Tawanan lang sila.
"Pre nakita mo yung chicks?" sabi ko kay Udi
"San?" sabi ni Udi na nilabas agad ng ulo sa jeep, parang giraffe lang sa haba ng laeeg.
"Yun" sabi ko sabay nguso grupo nila.
"Pedophile ka na ata, tanga." sagot nya.
Nang hindi kinalaunan ay hindi na kinaya ng jeep, ang tanda na ata nitong jeep na 'to. Partida, hindi pa puno 'to. Pero ok lang naman. Masaya naman sa paakyat kahit sobrang tarik. Nagpipicturan pa kami pag-akyat ng bundok.