Katahimikan

4 0 0
                                        

Papel ay blanko
ngunit puno ang isipan

panulat na matulis,
ang pamburay pudpod

nag iisip, nag tatanto
nasan ba sa rorok ang isip ko

Mga salitang hindi maisulat,
hindi mabigkas,
tila naghahanap ng daan palabas

Nagtatanong, nagtataka
mababalik pa ba ang halaga?

Ang dating tila walang kataposan, nabago ng bigla't natuldokan

walang rason,
walang paliwanag.

pag ibig na nuoy nabuo
ngayoy ala ala nalang na nakatago

Dahil sa mundong ibabaw
ang lahat ay nagbago,
sa mundong walang siguro

Sa bandang huli
Sa larawang kumupas
minsan may ako at ikaw

Reflection of the moonStories to obsess over. Discover now