gabi gabi di makatulog
saan ba ang isip kong lito
kung bukas pa ay wala ka
ano pang aking saysay
anong dahilan
bakit andito pa
kahapong nakasanayan
hindi na muling maranasan
kahapong kay tamis
biglang nagmaliw
oras na akin ka
ngayon pag mamay ari ng iba
saan ba ang isip na nalilito
sa bugso ba ng pusong kay gulo?
sa tinig ba ng isip na kay pait?
bakit pa nandito
ano pang rason
saan ba tayo patungo
gabi gabi'y pagod and isip
pagod sa saking sarili
pagod sa mundo
tatahimik nalang
kahit pusoy nagdurogo
di nlang magsasalita
isip kong naninibugho
para saan pa ba?
nasaan ka ba?
isip na lito'y pagod na nga ba
dito na ba ang dulo
dito na ba susuko?
