Chapter 23 - Make or Break

31.9K 913 77
                                    

SOPHIE'S POV

Bumaba ako ng kwarto bitbit ko ang maletang dala ko noong dinala ako dito ni Migs pero walang laman iyon kundi ang natitirang gamit na bitbit dito, Wala akong kahit isang kinuha sa mga gamit na binigay ni Migs. Mabuti na iyon at least mas madali ko syang makakalimutan.

Pagbaba ko sa sala ay nakita ko si Monic at ang ibang kasambahay na nakatingin lang sa akin. 

" Sophie" tawag ni Monic sa akin at hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang nararamdaman nya dahil kitang kita iyon sa mukha nya.

" Hey you don't have to be so gloomy Monic " pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo ay napakabigat ng pakiramdam ko, Sa loob lang na tatlong lingo ay napamahal na sa akin ang mga tao ni Migs na noon ay hindi ko akalain na mangyayari 

" Ang bilis kasi ng pag-alis mo. isa pa bakit ba ayaw mo hintayin si Sir Miguel? bakit hindi ka nalang magpahatid sa kanya?"

Hindi ko sya sinagot basta yinakap ko na lang sya.

" I'll email you Monic, tatawag din ako sayo" 

" Mami-miss kita Sophie" bulung nya and she hug me back too kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko 

" Thank you sa pag-aasikaso mo sa akin and thank you for being there for me" sabi ko bago ko sya pakawalan " Oo nga pala, pakibigay na lang pala ito kay Migs" sabi ko at iniabot ko sa kanya ang black i5s phone na binigay sa akin ni Migs noon

"Sige. Sophie mag-iingat ka palagi" sabi ni Monic 

Tumango lang ako tapos ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Pagdating ko sa labas ng gate ay agad akong sinalubong ni Nikos, kinuha nya agad ang dala kong bag pagkalapit na pagkalapit nya

" Hey Sophie are you Okay?" tanong nya pero tumango lang ako 

Pinagbuksan ako ni Nikos ng pinto ng kotse nya tapos ay inilagay na nya sa likod ang gamit ko at mabilis na pumasok ng sasakyan ng tahimik nakatingin pa ako noon sa kabuohan ng bahay ni Migs noong pumasok sya.

" Sophie are you sure about this? " tanong nya pero hindi ako sumagot " You know you can still back out and go inside " 

" Tapos? Hintayin si Migs na sya mismo ang maghatid sa akin sa airport para itapon ako pabalik ng California? Pagod na ako sa ganun. At list for the first time aalis ako dahil gusto ko, dahil disisyon ko yun. Ayoko na ulit maranasang itaboy at ipasa sa iba Nikos" 

" Sophie. They never said it was easy to walkaway"

" I know. Nikos thank you for helping me. "

" Don't mention it. Ready to go to the airport?" tanong nya

Tumango naman ako agad. Ang totoo hindi ko akalain na ganito kasakit iwan si Migs samatalang noon napapayag nya pa akong pumirma sa agreement na iyon para makaalis ako sa poder nya pero ngayon ito ako hirap na hirap sa paglayo sa kanya.

A Tito's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon