Chapter 39 - Almost but never get close

5.9K 119 18
                                    

  Holmby Hills   

Kahit sa panaginip hindi ko inisip na tutungtong ako sa pamamahay ng mga Saavedra lalo na ang harapin face to face ang mga ito. Pero ngayon nandito ako sa loob ng mansyon nila at hinihintay ang ama ng aroganting si Wytte.

"Ms. Sofia, please take a sit, Don Aragon will be here shortly" inform sa akin ng isa sa kasambahay nila 

" Thank you"  sagot ko tapos ay umupo ako sa isang komportableng upuan na nasa harapan ko. 

Habang naghihintay ako sa ama ni Wytte ay napagmasdan ko ng mabuti ang buong paligid. Totoo nga na mayaman ang angkan nila. This house is bigger than ours. this is really an estate.  Nakaka intimidate ang lugar nila kahit na sa isang katulad ko na lumaki sa yaman. Napaisip tuloy ako kung tama ang ginawa ko na sumugod dito ng mag-isa. Hindi ko nga alam kung anong klase ng tao ang May-ari ng malapalasyo na ito, I mean pano kung kainin nya ako ng buhay? Wait pano kung hindi na ako makaalis dito. "Breath in Sophie. Take a deep breath kaya ko ito"  

Pinapakalma ko ang sarili ko noong bigla ulit nag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at nakita ko ang pangalan ni Migs sa caller id. I cancelled the call. He's been calling me nonstop simula noong sumakay ako ng taxi. Alam ko na sobrang nag-aalala na sya pero kailangan ko itong gawin. Problema ko ito. Problema ng pamilya ko pero wala na akong ginawa kundi ang magtago sa likod nya at hayaan syang lumutas mag-isa at ayoko na maging duwag. Ayoko na magpasalo sa kanya dahil masyado na syang maraming problema, this time ako naman ang kikilos para sa kanila. Para sa mga taong mahal ko.

" Miss" tawag sa akin ng babaing sumalubong sa akin kanina " Mr. Saavedra will see you now" sabi nya kaya tumayo na ako at sinundan sya.

Pumasok kami sa isa pang receiving area na mas maganda at mas malaki sa pinaghintayan ko kanina. Doon ay nakita ko ang isang lalake na nakatanaw sa malaking glass window na may view ng napakalaking garden sa labas.

" Sir" tawag ng babae sa lalake.

" Leave us" utos naman ni Mr Saavedra sa kanya at umalis naman agad ito at naiwan akong mag-isa na sobrang kinakabahan. Ang storng ng presence nya. Yung feeling na isa syang super power at isa lang akong insect na pwede nyang apakan at pisain anytime. Take note hindi pa sya nakaharap sa akin nyan ha.  " So. What brings you here Sofia Merced?" tanong nya.

Sa boses nya palang alam ko na  estrikto sya at direct, isang tao na ayaw ng paligoy-ligoy kaya huminga ako ng malalim at inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko.

" I want  you to free my Dad" lakas loob kong sabi sa kanya. At pagkasabi ko noon ay humarap sya sa akin"

" Free him?"

" Yes! He's not a criminal. How dare you to put him in prison!" 

" You must be mistaken young lady but you got it all wrong. I never wanted him to see behind bars. He chose to be in that position" 

" What? Ikaw ang may kasalanan. Dahil niloko mo sya! Ginipit mo sya!"

Nakita ko syang tumawa. At medyo na confuse ako sa ginawa nya. 

" I never do such a thing. But I love your gut I give you that. Hindi ka man isang Romano masasabi ko na nakuha mo ang stubbornness ni Enrique" 

" Hindi ko maintindihan. Bakit mo ba ito ginagawa sa Daddy ko? Why did you imprisoned him. He's innocent" sabi ko 

" You're too young to understand. There's nothing personal between us it's only pure business. I'm a businessman so are your Dad and he knows very well what he has done. Go home." 

A Tito's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon