Chapter 11 - I Don't Care!

92.4K 885 64
                                    

5 days have past since the day Migs told me about his true father and since then we haven't spoke much. Palagi syang busy para sa business nya at sa pagbabantay sa Tatay nya though his trying his best to make time for me para kahit papaano magkaroon ako ng kasama kumain ng breakfast or dinner kaya kahit papaano natutuwa ako sa kanya.

" I have to go Sophie" paalam sa akin ni Migs pagkatapos nyang kumain ng diner

" You're done already?"

" Yeah, I'm sorry I have to run dadaan pa kasi ako sa isang branch bago tumuloy sa hospital" tumayo na sya agad

" Ah Mig can I come?" sabi ko

" No, you should stay here and take a rest. mapapagod ka lang kung sasama ka sa akin, beside hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi mapupuyat ka lang, isa pa I need you tomorrow at the office "

" You need me tomorrow? why?"

" Because I miss you Sophie, and that's the only time I can see you"

Nagulat ako sa sinabi nya, na mi-miss nya daw ako? I'm speechless Migs misses me?"

" Can I ask you why? I mean kahit naman magkasama tayo buong araw sa office and you dropped me home hindi mo naman ako pinapansin dahil palagi kang nakatutuk sa mga documents mo sa mesa or sa tablet mo diba? if you really miss me you could at least show me."

" Sophie if I'm going to show it to you'll be surprised" nakangiting sabi nya

" Huh? what do you mean?" takang sabi ko pero sa isang banda medyo natutwa ako sa kanya dahil nagiging open na sya sa akin ngayon

" I meant every word Sophie. I miss you. I miss spending my time with."

Dinig kong sabi pa ni Migs at seryoso ang mukha nya habang sinasabi nya iyon kaya biglang naging abnormal ang kinikilos ng puso ko, yung parang gusto nyang lumukso palabas sa dibdib ko, dahil dun hindi ko na nakuhang magsalita pa

" Aalis na ako ha, wag mo na akong hintaying dumating okay? " sabi pa nya at wala na akong nagawa kundi ang tumango dahil parang nasa state of stock parin ang utak ko sa unang sinabi nya naramdaman ko nalang syang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo " Sweet dreams my cute little pet" bulong nya sa taenga ko kaya bigla tuloy nanlamig ang buong katawan ko, lalo akong hindi nakakilos, ang bilis ng heart beat ko yung feeling na anytime aatakihin na ako sa puso tinignan ko siya  and he smirk on me tapos iniwan na nya ako na parang tuod.

Kinabukasan maaga akong nagising. Agad akong naghanda para sa pagpasok ko sa office, hindi ko maintindihan kung bakit pero excited akong makita ngayon si Migs kaya pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong bumaba sa dinning area para makita sya, pero pagdating ko doon ay si Monic lang ang naabutan kong naandoon

" Good morning Sophie!" masayang bati nya sa akin

" Good morning din Monic" sabi ko sa kanya tapos ay nilibot ko ang mga mata ko sa paligid para makita si Migs pero wala talaga sya.

" Kain kana " sabi pa ulit ni Monic na parang hindi nya napapansin na may hinahanap ako

" Si Migs?" tanong ko pero pinilit kong palabasin na parang lumabas lang yun sa bibig ko

" Hindi sya umuwi Sophie, magdamag yata sya sa ospital"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot noong narinig ko iyon, ewan ko ba nawi-wirduhan na ako sa sarili ko ngayon namimiss ko ba ang lalaking iyon? No way.

A Tito's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon