しち (。>﹏<。)

32 1 0
                                    







Mckenziena Celestine Meyers POV





"KINIKILIG AKO! KYAAAAAAAAAHHH! DALAGA KA NA, PUKE KA!" Sabi niya sabay damba sa akin ng yakap. Kinabog niya rin ako sa likod na parang konting-konti na lang masusuka ko yung baga ko.

"Aray ha! Masakit ano ba!" Binatukan ko siya pagkakalas ko sa yakap niya.

"Aray naman! Kanina pa yang mala-palakol mong kamay ha! Kala mo ba di ko napapansin?" Sabi niya habang hawak hawak yung batok niya.

"Kwits lang tayo hahaha!" Sabi ko. Pagkasabi ko nun sa kanya ay bigla bigla na lang siyang natahimik. Nako, baka nautot to.

"Hindi eh." Sabi niya. Ano namang drama nito? Bigla biglang nagbabago ng mood. Kala ko nautot lang. Humawak pa siya sa bibig at sa dib dib niya na parang nasa teleserye lang.

"Anong hindi? Nahiya ka pang sabihin na nautot ka kaya ka natahimik. Ano ka ba naman, sa tagal tagal nating pagsasama, nasanay na ako sa silent but deadly mong utot." Nakatanggap naman ako ng wapak sa braso dahil sa sinabi ko. Itong babae na to, napaka amazona kala mong unan lang yung kamay kung makapalo.

"Hindi kasi!" Bulyaw niya. "Meron din akong hindi pa sinasabi sayo, Mamshie." Ay seryoso si bakla. Siguro nagnakaw na naman to ng ballpen kay Carson.

"Ano naman yun? May ginawa ka nanamang kagagahan no? Ano bang na naman ang ni-123 mo---"

"Baka ikaw yun! Pwedeng makinig muna!? Singit ka ng singit! Mukha ka ng singit!" Bulyaw niya. Tinikom ko na lang yung bibig ko at piniling makinig. Galit na eh.

"Meron din akong ka-chat." Seryosong sabi niya.

"Sino? Si Nacthan ba? Wala na ba talagang chance sa inyo?" Tanong ko. Sayang kasi ang mahigit 7 months na mutual feelings nila.

"Hindi siya."

"Ha? Sino?" Kunot noong tanong ko.

"Diba kakapalit ko lang ng profile picture?" Tumango ako para sabihing alam ko yung sinasabi niya.

"Ano naman?" Dagdag ko.

"Pagkatapos ko kasing magpalit ng DP, biglang may nag-wave sa akin na hindi ko kilala."

"Talaga?! Nabighani sa ganda mo gurl! Iba talaga ang amoy ng mahalimuyak mong kep---Ito na titigl na!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil inambahan na naman ako nito.

"Gaga ka talaga! Puro ka kalokohan!"

"Ito na, seryoso na, anong nangyari pagkatapos?" Tumikhim ako dahil nauubusan ako ng laway kakadada.

"So, ayun na nga, nag-wave back ako kasi hindi naman ako snob, alam mo yan. Hanggang sa nag-hi siya at nagkausap kami ng slight? Medyo mahaba rin yung napag-usapan namin pala kasi nakwento ko sa kanya yung tungkol sa amin ni Nacthan."

"Kayo na?!'

"Hindi! Napaka-advance mo talagang mag-isip! To the point na ang OA na ha!"

"Sorry naman. So, ano na nangyari?" Pinatong ko yung siko ko sa arm rest ng upuan at nangalumbaba.

"Tinuturing ko na siya na kuya. Sabi niya kasi ok lang daw." Ngiting-ngiti na sabi ni gaga. Sabagay, gusto niya kasing magkakuya. Actually, parehas kami. Epekto lang halos ng kakabasa ng wattpad books.

"Gwapo ba?"

"Sakto lang."

"Pakita..."

"Mabagal data ko!"

"Ano ba yan, poor!"

"Edi ikaw na rich. Bayaran mo data ko, mayaman ka naman."

"Tss. Ano na lang pangalan?" Tumayo ako dahil nakita kong nagkalikot na naman siya ng phone. Feeling ko ka-chat ni gaga.

Hindi niya ako sinagot dahil nakipag-face-to-face na naman siya sa telepono niya. Tumingkayad ako para makita kung talaga bang ka-chat niya yung oh so called na 'kuya'

Dahil nga sa height at size kong parang gasul, nagsayang lang ako ng effort. Ang laking damulag kasi nitong babae na to. Edi siya na talaga!

Sinundot ko yung kili-kili niya sabay amoy.

Pero siyempre hindi ko gagawin yun. Ka-baboy lang? Baka kung kay Ace, pwede pa pero kapag kay Khia, no way!

"Hoy tinatanong kita! Sana mahipan ka ng hangin at magkapalitan na kayo ng mukha ng telepono!"

"Ano ba kasi yun!?"

"Ano nga kasi panglan ng minalas na lalaki?" For the 69th time, nakatikim na naman ako ng mala-bakal niyang palo.

"Napakasama mo! I-cha-chat ko na lang sayo mamamaya!" Sus! Daming alam.

"Bilis na! Hinihintay na tayo nila Carson! Wala na nga sila Doning, kawawa naman si Carson, baka umiyak doon yun." Sabi ko. Mag-dedesign na lang kasi. Sila Doning at si Kerk na kasi yung gumawa ng base at yung sa pailaw. Kami na lang daw mag-dedesign.

"Marko Deion Maizee Vergeldedios Cataga" Ha? Ano daw?

"Hoy may iba ka pa bang china-chat?!" Bulyaw ko.

"Wala ah!"

"Eh bakit parang and dami namang pangalan?" Tanong ko ng may pagtataka. Tumingin ako sa labas dahil baka may biglang pumasok.

"Di ko nga rin alam kung bakit ganoong kahaba yung pangalan niya. Kaya nga sabi ko sayo sa chat na lang."

"Hayaan mo na di ko naman na matatandaan yun." Sabi ko at tumayo na.

"Hay, buhay pag-ibig. Para kang sumasakay sa isang extreme ride." Sabi ko.

"Kung kailan talaga grade 10 na tayo, tsaka lumandi." Nagkabit-balikat ako dahil sa totoo lang di mo naman alam kung anong mangyayari sa hinaharap.

Para sa akin, enjoy mo na lang kung anong meron dahil 'live life to the fullest nga diba'?
































Pero yan ang akala ko dati...

Mga akalang nauwi sa pagkabigo...








-- Miss D

BulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon