Ace Greg Schneider POV
Hilu gudmurneng mga kababayan! Kuya wel salamat at binigyan niyo ako ng pagkakataon na magsalita dine sa wawawin! I labyu po kuya wel! Artista na ako!
"Hoy, Ace! Tuluyan na ba talagang naapektuhan yang kokote mo? Kanina ka pa tulala tapos ngingiti-ngiti magisa." Rinig kong sabi ni Axel. Pakihanap yung pake ko?
"Sa bunbunan tinurukan di sa mata HAHAHAHA!" Tawang-tawa na sabi ni Mikhail. Nakakatawa yun ha? Nakakatawa?
"Tawa na ako?" Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Kasungit mo naman!" Sabi ulit ni Mikhail tapos duet pa sila ni Axel tumawa. Tangina, walang magawa sa buhay.
"Shh! Boys!" Suway sa kanila ng isang teacher.
Napangisi na lang ako at nilabas yung dila ko sa kanila. Wala na silang nagawa dahil pumasok na yung pari sa loob tapos nagsalita na si Ate Shaney.
Tumayo na rin ako kahit di ko naman to religion.
Nandito lang ako kasi wala lang.
Hehe joke lang. Wala kasi akong magawa kaya tumambay muna na ako dito. Tapos lahat sila Catholic tapos ako lang magisa ang Born Again. Lungkot kaya nun, brad.
Di ko na mabilang kung ilang beses na ako humikab. Inaantok pa kasi ako tapos sumasakit pa ng konti yung mata ko. Langya.
Napatingin ako sa gawing kaliwa kung saan walang araw. Nawala yung pagkirot niya kaya dito ko na lang binaling yung atensyon ko. Di na rin naman kasi ako nakikinig. Kaantok na nga ang pinagsasasabi ng pari tapos nakakantok pa yung boses. Parang si Sir Bryan lang.
Nilibot ko lang ang mata ko sa kaliwa. Nandoon halos lahat ng Narra at kami lang ang naligaw sa gawing gitna sa likod. Wala na kasing upuan doon tapos sabi ni Axel gusto niya daw silipin si Ganda. Taena landi talaga.
Hindi ko alam pero ang dami naman nila sa gawi dun pero isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.
Si Celestine.
Mukha na siyang bugnot na bugnot dahil nakakunot na yung noo niya tapos may tubig tubig na yung mata niya na sinyales na bagong bago pa lang yung paghikab niya.
Tinitigan ko lang siya. Maya maya napapapikit na siya at unti unti ng bumabagsak yung ulo niya. Patulo na rin yung laway niya na naiipon sa bibig niya nang bigla siyang sinampal ni Khia. Pati ako napaaray dun ah. Buti na lang wala na sila ni Nacthan kundi nako. Kawawa siya pagnagkataon.
"Ano ba!" Basa ko sa bibig niya kahit di ko naman sila naririnig. Pinunasan niya yung laway na tumulo na sa pisngi niya tsaka pinahid sa palda ni Khia ng hindi niya alam.
Ang baboy.
"Nagmimisa tapos natutulog ka diyan! Awjsjjjdjcksdjbdx" Nagusap lang sila ng nagusap hanggang sa matapos ang mass.
Di ko alam pero napangiti ako sa nakita ko na yun. Nawala yung antok ko sa mass at natatawa ako tuwing naalala ko.
"Grade 3 you may now take your snack. Grade 7 girls you can also take your break now. Grade 8 to 12 girls you may now go back to your class room and wait for your next subject." Sabi ni Maam April sa mic.
"Boys stay for your hair cut inspection." Pagkasabi nun ay automatikong napaangal ang mga lalaki at binaba yung buhok nila na kanina nakawax pa.
Buti na lang maikli pa ang buhok ko ngayon kaya hindi ako natawag. Nawarningan nga lang sila Lian at Harold.
Naiwan sila sa likod namin at minumura na ang school dahil sabi nila kakapagupit lang nila nung isang araw tapos mahaba pa rin daw.
Pumasok na kami sa room at bumungad sa amin ang lamig nito. Girls pa lang ang nandito sa loob kaya tahimik lang kaming pumasok.
Nilapitan naman ni Jennifer si Axel tsaka tinanong kung nahuli sila. Sila sila na lang ang nagusap kaya dumiretso na ako sa puwesto ko at sumunod sa akin si Lian.
Kinuha ko yung inuminan ko at binuksan ito dahil nauuhaw ako eh. Napanis na laway ko dahil isang oras ba naman nakatikom. Sinong hindi mapapanisan ng laway dun sige nga?
"Ace, pahiram ngang wax!" Sigaw ni Mikhail. Kita mo to, parang kanina di niya ako inaasar tapos kung makahingi kala mong walang ginawang kasalanan.
Hinayaan ko na lang at binuksan ko yung pinakamalaking zipper ng bag ko. Bigla kong naalala na nasa maliit nga pala siya kaya lang ng isasara ko na siya, naagaw ng pansin ko ang matingkad na kulay blue sa tabi ng mga libro ko. Ano yun?
Di ko muna ito pinansin at kinuha yung wax ko at initsa kay Mikhail. Binalikan ko yung bag ko at sinilip ulit yung nakita kong blue.
Nilakihan ko yung pagbukas at dinukot ito. Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Ano to?
"Wow! May gatorade." Sabi ni Jasmine na nasa tabi ko. Napalingon si Lian sa sinabi niya at lumapit para maki-tsismis.
Di ko sila pinansin ng makita kong may nakadikit na papel dito.
Welcome Back! :*
-- Phoebe :)
-- Miss D
BINABASA MO ANG
Bulong
Novela Juvenil❝ Hindi masabi Ang nararamdaman Di makalapit Sadyang nanginginig nalang ❞ Gumawa ng dummy account para mapansin ni crush? Paano kung sa ganitong paraan ka lang nakakaamin? Hanggang pagpapanggap na lang ba? Hanggang kailan ibubulong ang mga salitang...