じゅうさん

21 1 3
                                    

Mckenziena Celestine Meyers POV

"Class, sino absent natin ngayon?" Tanong ng aming advicer na si Sir Panalo.

"Si Ace po, Sir Panalo." Sagot ni Haninah na president namin.

Busangot naman akong nangalumbaba sa desk ko dahil hindi pa naman sure na absent yung senpai ko eh. 7:31 pa lang. One minute pa nga lang siya late! Ang O-OA naman nila.

"Psst. Axel, nagchat ba sayo si Ace?" Rinig kong tanong ni Lian kay Axel. Iba talaga yung tenga ko kapag naririnig ko yung pangalan niya. Take note, nasa likod sila niyan ha and nasa gawing harap ako. Iingay naman kasi ng boses eh. Parang nasa Zimbabwe pa yung kausap.

"Aba ewan ko. Di pa naman ako nagoonline." Sagot ni Axel na may halong pagkabwisit.

"Ang sungit mo naman. Namumula na yung mga tigyawat mo kaya chill lang." Napatawa naman ako ng slight dahil sa sinabi ni Kerk. Magkakatabi kasi sila.

"Aba, bastos to ha! Tigyawat ko na naman ang nadamay. Di niyo ba alam na pamilya ko yan?! Suntukan na lang oh?" Hamon ni Axel habang tinataas pa yung sleeves niya at pilit inaabot si Kerk dahil pinagigitnaan nila si Lian.

"Kaya pala di ka maiwan-iwan ng nga tigyawat mo kasi isang compound sila diyan. Yabang mo ha? Kaya mo na ako?" Sabi ni Kerk at dinuduro-duro si Axel.

"Hehe. Di ka naman mabiro, boss. Alam mo namang taob na ako sayo. Tiyan mo pa nga lang, di na ako makakaatras." Duwag na sabi ni Axel. Weakshit psh.

Di na ako nakinig at nangalumbaba na lang ako.

"Hoy puke, abot na ng Tarlac yang nguso mo. Di ka cute pag nagpa-pout, mukha kang tae." Sabi ng isang damulag na nasa tabi ko. Kahit kailan napaka panira talaga nito.

"Lumipad din hanggang Tarlac yung paki ko pakihanap naman." Sagot ko kay Khia.

"Ikaw, absent lang yung bebe mo kung maka-ngawa ka diyan parang namatay na. Wag ka ngang OA. Sapukin kita diyan eh."

"Eeehhhhh! Kahit na! Miss ko na siya agad." Angal ko.

"Di naman siya jowa." Bulong niya. Napairap na lang ako dahil nahiya naman ako sa lakas ng bulong niya

"Narinig ko yun ha!" Bumalik ako sa ginagawa ko kanina at pinili na lang na di makinig. Nakakawala namang gana to. Gusto ko ng umuwi.

Pasimple kong dinukot yung cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang private message namin.

Di nga lang siya active ༎ຶ‿༎ຶ

Naalala ko...

Wala nga pala akong data.

"Celestine, mas importante pa ba yung nagtext sayo kaysa sa announcement ko?" Narinig kong may nagtanong.

"Siyempre naman no. Life and death situation ito." Sagot ko kahit di ko naman kilala yung nagtanong.

Narinig kong nagtawanan ang iba pero wala akong pakialam. Hindi naman sila importante. Mga salot lang sila sa lipunan.

"Celest, ano ka ba!" Sigaw sa akin ni Khia sabay palo ng palad niyang inaspaltuhan.

"Tao! Di mo ba nakikita?!" Bulyaw ko habang kinakamot pa yung parte na pinalo niya. Hapid eh. Kita mo na ngang nangungutang ako ng load, ginugulo pa ako.

Mas lumakas pa lalo yung mga tawanan nila. Sino ba kasi yung nagpapatawa? Kung makatawa naman tong mga to lalabas na yung ngala ngala. Di na nga ako makapag-concentrate eh

"Kung gusto mong atupagin yan at huwag ng makinig sa sinasabi ko, malaya ka ng lumabas, Celestine." Napalingon na ako sa nagsabi nun kasi sino ba siya para sundin ko. Hindi naman siya teacher kung maka---

"Ay! S-sir, i-ikaw pala yan hehe." Gulat na sabi ko. Tinago ko yunh cellphone ko sa bulsa ko at napakamot na lang sa ulo ko. May kuto ata. Mamaya magpapakuto na lang ako sa ate ko. Future unggo yun.

Ito namang kasi si Khia, di man lang sinabi na si sir pala yun. Kanina ko pa naman sinagot-sagot si Sir Panalo eh.

Patay ako nito. Kaya pala sila tawa ng tawa kasi nababastos ko na pala si Sir Panalo. Hindi ko naman alam na si Sir na pala yung kausap ko. Akala ko kasi si Khia na bagong gising lang.

"Oh bakit ka huminto? Diba mas gusto mo pang atupagin yung phone mo kaysa makinig sa announcement ko? Life and death situation kamo diba? Sige, pagbibigyan kita kaya lang wag kang papasok sa klase ko ngayon ha. Hindi ko na kasalanan kung hindi mo alam ang gagawin sa field trip natin." Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Kasi naman eh. Ang tanga tanga ko.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Binibigyan ka na nga ng pagkakataon para sagutin yung nagtext sayo. Miss Meyers, hindi ko kailangan ng estudyante na hindi ako kayang pakinggan." Tumayo na ako bago pa ako bigyan ni Sir ng violation.

Nang dumaan ako sa gawi nila Kerk nakita kong nagtatawanan sila kaya sinilip ko si Sir Panalo kung nakatingin tsaka ko sila pinakyuhan. Mga gago talaga eh. Hindi naman nakakatawa yung bangyari sa akin. Tatapyasin ko yung mga bayag nila kahit wala naman akong matatapyas.

Buti na lang wala yung senpai ko kundi mas mapapahiya talaga ako.

Paano na yan? Absent na nga si senpai ko, napahiya pa ako sa classroom namin. Napakamalas ko naman ngayon.





--- Miss D

BulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon