はち

24 1 1
                                    







Mckenziena Celestine Meyers POV





"Tara na nga at umaakyat na nga tayo!" Yaya ko.

"Sus! Gusto mo lang siyang makita eh. Ayieehh! Ace pala ah." Tukso niya. Tinaasan ko naman siya ng middle finger.

"Marko 'i don't know his name' ka lang eh. Sa una kuya kuya lang pero maiinlove din naman. Marupok tayo eh." Natahimik naman siya sa sinabi ko. Akala niya ha.

Pagkaakyat namin, naabutan namin si Carson na sapo sapo na ang langit at lupa. Kahit ganun ay sakanya pa rin ang tingin ko na busying busy sa kanilang parol na skeleton pa lang. Tsk, kawawa naman ang bebe ko.

Lumingon siya sa akin ng sandali pero binawi rin niya iyon. Isinawalang bahala ko na lang dahil stress na si koya. Umupo na lang ako sa tabi ng mga kagrupo ko para makatulong.

Papatapos ko ng balutan ang parol na maliit ni Kerk nang may naramdaman akong sumandal sa akin. Sino naman kaya itong ponciong pilato ang nangahas na gawin akong unan!?

Tiningnan ko ang likod ko at ganun na lang ang pagkagulat ko ng mahagilap ko ang ilong nito. Ilong palang jusq alam na alam na siya to. Tangos ng kasi ng ilong, kainggit!

"Hay, kapagod. Pasandal." Hindi ako nakapagsalita. Emeged! Totoo ba to?

Binalingan ko ng tingin si Khia at ang gaga nakangisi tapos nagmamakeface na naman.

"A-ah. Ikaw bahala." Luh, ang pabebe. Kadiri ka Celes.

Hinayaan ko lang siyang sandalan ako. Sino may sabing hindi ko gusto? Tatapyasin ko ang ari. Hindi ko naman mapigilang mamatay sa sobrang tuwa. Juskolord, iba talaga epekto ni gago sa akin.

Agad naman akong nanghinayang ng bumangon siya. "Wah. Buti pa kayo patapos na." Ani Bebelabs. Wiling naman akong iwan kagrupo para tulungan ka, enebe!

"Ace! Wag kang mainggit sa kanila. Tandaan mo, tayo pa rin ang DREAM TEAM! Kaya natin to guys!" Singit naman ni Axel. Kahit kailan napaka-pabibo talaga nitong tao na to. At least, optimistic siya sa lahat ng bagay. Isa rin siguro yan sa dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Janeika, noon.

"Dominique, kwentuhan mo kami!" Nagtawanan naman lahat nung sinabi yan ni Axel. Napakasama talaga nila sa ka-grupo nila. Sila sila na nga magkakasama. Inaasar kasi nila si Dominique kasi hindi siya tumutulong sa grupo. Kung tinatanong niyo kung bakit, hindi ko rin alam.

"Tangina mo, Axel." Tsk, ang bully talaga.

"Ace, kilala mo na ba kung sino yung ka-chat mo?" Agad namang naging satellite yung tenga ko ng marinig ko yung tanong ni Lian kay Ace.

"Hindi. Ang pinagtataka ko lang ay kung paano niya alam na mag-eexam ako sa Mapua. Kayo-kayo lang naman ang nakakaalam na mage-exam ako dun." Sandali silang napatahimik dahil wala rin siguro silang clue kung sino si Phoebe.

"Sinabi niya ba kung anong grade siya?" Dagdag tanong ni Lian.

"Hindi. Sobrang hirap ngang kausap. Tuwing nagtatanong ako, secret siya ng secret. Paano ko siya makikilala kung hindi niya sasabihin sa akin?" Aruy, pero totoo naman kasi eh. Binibigyan ko naman siya ng clue, arte ah.

"Sino yang pinaguusapan niyo? Si Phoebe na naman? Alam mo Ace, pinapahirapan mo pa yung sarili mo eh si Vanexxa lang yan, Hahahaha!" Bwisit to ah. Akala mo namang kagwapuhan. Wala na ngang natitirang bakante sa mukha niya, daig pa Pacific Ring of Fire.

"Napakasama mo. Mabulok na sana yang mukha mo para wala ng magkagusto sayo." Sagot ng bebe ko. Go lang bebelabs, support kita diyan

"Totoo naman eh. Diba sabi mo, shoulder length hair at mukhang grade 9. Kaya siguro ayaw magpakilala dahil may hiya naman daw siya."

"Gago ka, Axel."

"Pero seryoso, Ace. Di ka maiinis ng ganyan kung hindi ka interesado. Tirahin mo na kasi. Tigang lang sayo yun." Pigilan niyo ako. Konting-konti na lang lilihain ko na yung pagmumukha ng lalaking yan para mabura na siya sa mundo.

"Gumawa ka na nga lang diyan. Nandidiri ako sayo." Sakit nun ha.

"Celest, ang panget naman ng pagkakabalot mo. Nasira na tuloy. Buti na lang kay Kerk yan." Sabi ni Carson. Siya kaya balutan ko ng buhay?

Sikip sikip na nga sa dib dib eh. Mali na naman yung nasuot kong bra. Masyadong maliit. Oy, wag ka, may future ako. Don't me!

Akitin ko na lang kaya siya?

-- Miss D

BulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon