Mckenzenia Celestine Meyers POV"Khia Mabrie! May sasabihin ako sayo. Tara dito pero wag kang maingay ha." Tawag ko sa bestfriend kong amoy vajayjay.
"Ano ba yun? Bilisan mo hinahanap na tayo nila Carson. Di pa nga natin tapos yung parol." Daming sinabi lalapit rin naman. If I know, gusto lang nyan ng tsismis.
"Wag kang maingay ha? Papatayin kita kapag may pinagsabihan ka nito! Bukas na bukas baog ka na." Sabi ko habang binabantaan siya.
"Oo na! Bilisan mo na para kang batang di mapatae." Sabi niya. Di ko na lang pinansin dahil baka kapag pinatulan ko pa, baka siya ingudngod ko sa bowl.
Huminga muna akong malalim kasi kinakabahan ako. Nakakahiya, putangina!
"Hmm...Ang baho!" Binatukan ko siya. Kung makapagsabi, mas mabaho pa hininga sa akin ni Keedon.
"Tangina mo! Mas mapanghe ka!" Nagmake-face siya sa sinabi ko. Kung burahin ko kaya yung mukha niya?
"Ano ba kasi yun!? Basa na kili-kili ko ano ba!" Nakahalukipkip niyang sabi at tumapat pa sa aircon ng classroom habang tinatapat yung kili kili sa aircon. Naku po, kapag umasim na maya maya, alam na this. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko. Binuksan ko ito at hinanap ang messenger.
Binuksan ko ang chat namin ng bebe ko. Ini-scroll ko muna yung chat dahil mahaba haba rin naman yung napagusapan namin, powerful kasi ako.
"Napakatagal naman. Natuyo na kili kili ko." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-scroll.
"Ayan na. O My God, nahihiya ako! Wag mo akong i-judge ha!" Sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa phone ko. Nararamdaman kong umaakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko. This is so embarrassing!
"Oo na! Paulit-ulit ka. Bilisan mo na, iiwan kita dito!" Sabi niya habang pilit na kinukuha yung cellphone mula sa kamay ko. Iniiwas ko naman ito dahil nahihiya pa rin ako.
"Promise mo muna sa akin. Wala kang pagsasabihan, kahit kay Janeika wag mo ring pagsasabihan tungkol dito. Natatakot kasi ako sa reaction niya." Sabi ko habang nakikipagtitigan ako sa kanya.
"Sa mahigit anim na taon nating pagsasama, wala ka pa bang tiwala sa akin? I'm hurt ha." Pikit mata kong binigay sa kanya yung phone ko. Kasabay ng pagabot ko ay kumaripas na rin ako ng takbo palabas ng classroom. Kaming dalawa lang kasi nasa loob ng classroom kasi nasa TLE room yung iba at gumagawa ng parol. So bale tumakas lang talaga kami.
Malapit na kasi ang Parol lighting and 4th year highschool ang na-assign mag-organize ng Parol lighting na magaganap this school year. 4 years ago na kasi yung last na nagkaroon ng gantong celebration bago mag-christmas. Gusto ng school namin ibalik kasi pabibo sila pero syempre joke lang yun. Dadag stress lang eh.
Mabalik tayo, so nandito pa rin ako sa labas ng classroom at sari-saring tanong ang pumapasok sa isip ko. 'Ano kaya reaction niya?' 'Mukha na ba akong malandi kasi saldakan ng kapal ng mukha ko sa chat namin ni Ace?'
Hanggang sa na-realize ko din na kaibigan ko siya kaya tatanggapin niya kung sino ang taong gugustuhin ko man tsaka alam kong hindi ganoong tao si Khia. Gaga lang yan pero mahal na mahal ako nun.
Pumasok ako ng room. Nakita kong nakayuko pa rin siya habang binabasa ang chat namin. Na tipong konting konti na lang magkakapalitan na ng mukha yung screen ng phone ko at mukha niya. May ngiting nakapaskil sa mga labi niya na parang konti na lang mapupunit na yung bibig niya. Ibig sabihin nun ay kinikilig siya. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon pero thankful ako kasi hindi siya nagiisip ng masama sa akin. Ako rin naman kasi itong OA, kung sino man ang mas nakakakilala sa kaibigan ko, syempre ako yun. Bakit ko ba siya pinagiisipan ng masama, noong una pa lang?
"Mamshieee...magsalita ka naman. Para kang tuod diya---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nabingi na ako.
"KINIKILIG AKO! KYAAAAAAHHH!!! DALAGA KA NA BHE!"
-Miss D

BINABASA MO ANG
Bulong
Teen Fiction❝ Hindi masabi Ang nararamdaman Di makalapit Sadyang nanginginig nalang ❞ Gumawa ng dummy account para mapansin ni crush? Paano kung sa ganitong paraan ka lang nakakaamin? Hanggang pagpapanggap na lang ba? Hanggang kailan ibubulong ang mga salitang...