"P-Paano nangyari ito?! Paano mo ko natatalo?!"
"Huwag ka nang magsalita! Katapusan mo na!"
Sinugod ko ang isang malaking pigura na may mapupulang mata at malaking katawan na umaabot sa 4 na metro.
Kung ito ay makikita mula sa kalayuan, makikita mo ang dalawang pinakamalakas na nilalanag ang naglalaban. Isa sa mabuti at isa sa masama.
Nang makalipas ang ilan pang mga oras, nagtagumpay ang lalaki sa kanyang pakikipaglaban sa pigura na kinilalang Demon King at kinatatakutan nang lahat.
"Mabuhay si Akio-sama!"
Sigaw nang nga knights na nasa malayo nang nakita nilang papabalik na ang lalaking tinatawag nilang Akio-sama.
Nang matapos ang halos maraming taong labanan, nanalo ang mga Humans at nasugpo na ang karamihan nang demon race, pero may ilan paring nakatakas at nakapagtago.
Nang makabalik na kami ay maraming tao ang kumakaway sa akin.
"Mabuhay si Akio-sama!"
"Mabuhay!"
Walang humpay na hiyawan at papuri ang dumagundong sa loob nang Kapitolyo nang Treistein Kingdom.
Pinatakbo ko naman nang mabalis ang kabayo at dumeretso na sa castle. Nang ako ay makarating, binati ako nang prinsesa nang kingdom na si Alfina Treistein.
"M-Maraming Salamat, Akio-sama"
"Walang ano man..."
"D-Dahil natapos na ang giyera laban sa demon race, bibigyan kita nang isang kahilingan na ang mismong Goddess ang magbibigay sa iyo"
"Isang kahilingan..... Gusto ko na maging immortal"
"I-Immortal?"
"Oo, at walang dapat na makaalam tungkol sa kahilingan ko kundi ikaw lamang"
"M-M-Masusunod, Akio-sama"
Pinasunod ako nang prinsesa sa isang kuwarto na kung saan ay may nakalagay na istatwa nang isang Goddess.
Lumuhod ako sa harap nito at nanalangin. Nang ginawa ko iyon ay bigla na lamang akong napunt sa isang lugar na wala kang ibang makikita kundi kulay puti lamang.
"Akio-san, maraming salamat sa pagliligtas sa mundo... Bilang regalo, tutuparin ko ang iyong kahilingan na maging immortal"
"M-Maraming Salamat"
Biglang lumiwanag ang kanyang palad at lumipat ang liwanag sa aking katawan bago ito nawala.
"Nasa iyo na ang immortality, sana ay gamitin mo ito nang maayos"
"Masusunod"
Nawala na ako sa puting lugar at bumalik na sa harap nang istatwa.
"Tapos na ba, Akio-sama?"
"Oo... Natapos na"
"Um... T-Tungkol sa pangako mo"
"Ah... Huwag kang magalala, tutuparin ko iyon"
"S-Salamat"
Sinabi niya sa akin. At nang dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko, hinalikan ko na si Alfina.
"Mouuu... Masyado ka naman atang nagmamadali, Akio-sama"
"H-Hindi naman sa ganoon... Matagal narin naman na naging tayo, diba?"
"S-Sa tingin ko, nasa apat na taon na..."
"Kung ganoon naman pala, dapat normal na lang ito"
"S-Siguro nga..."
Nang umalis na kami sa kuwarto, pumunta naman kami sa kuwarto kung saan nandoon ang hari na nakaupo sa kanyang trono.
"Maraming salamat, Akio-dono"
"Walang anuman, Haring Michael"
"Dahil tapos na ang giyera, pinapayagan ko na kayong magpakasal nang aking anak"
"Maraming salamat"
Umalis na kami nang kuwarto at namasyal sa loob nang capital.
Nang kami ay naglalakad, bigla nalang nandilim ang aking paningin at nawalan ako nang malay.
Nagising na lamang ako sa isang madilim na alley, at nakita sa tabi ko si Alfina na wala nang buhay.
"A-Alfina?! Gumising ka Alfina!"
Sigaw ako nang sigaw habang hawak si Alfina sa aking mga braso. Pero kahit anong tawag ko ay hindi na siya sumasagot.
"Alfina... Pasensya ka na... Hindi man lang kita nailigtas"
Sabi ko sa nanlalamig na niyang bangkay at binuhat ito.
Habang buhat buhat ko ito, may mga knights na dumating sa aki g kinaroroonan.
"T-Tumigil ka! N-Nandito kami nang dahil sa utos ng hari! Pinapatawan ka namin nang salang pagpatay kay Prinsesa Alfina"
"Ako? Sinasabi mo na ako ang pumatay sa dapat kong maging asawa?"
Tinignan ko siya habang naglalabas nang nakakatakot na aura.
"G-Ganoon na nga! Sumama ka sa amin nang tahimik nang wala ng masaktan pa!"
"Paano kung ayaw ko?"
"G-G-Gagamit kami nang dahas!"
"Talaga lang huh... Ganito na lang, palabasin niyo nalang na patay na kami at sinunog ang bangkay namin... Pakiusap... Gusto kong bigyan si Alfina nang maayos na kahihimlayan"
"P-Pero... K-Kailangan naming sundin ang utos nang hari"
"Ganito nalang"
Sinabi ko at tinanggal ang ulo ko.
"Hiiiii!!!"
"Ibigay niyo ito sa hari bilang patunay na patay na ako"
Iniabot ko ang ulo ko sa mga knights at umalis na.
Nang ako ay makaalis na, nang lumipas ang ilang minuto, nagkaroon ako ng panibagong ulo.
Lumayo na ako sa border ng kingdom at pumunta sa isang village.
Gumawa ako nang libingan para kay Alfina sa labas ng village.
"P-Pasensya ka na Alfina... Kahit na gustuhin ko man na makasama ka, hindi ko magagawa... Please, sana ayos ka na ngayon... At huwag kang magaalala sa akin, dahil kahit anong mangyari ay ipaghihiganti kita"
Tinignan ko ang status ko at nakita na ang HP ko ay naging 0/0.
"Immortal... Immortal na nga ako, pero, ano rin ang kwenta nito?"
Kinausap ko nalang ang sarili ko at hindi namalayan na nag umaga na.
"H-Hero-sama! A-Ayos ka lang ba Hero-sama?!"
Bago nandilim ang paningin ko, may nakita akong isang babae na kinakausap ako.
"Tulong..."
Huli kong nasambit bago ako hinimatay.
Awtors Naut: wassup, CokeCupCola, dis is probably a tragically tragic story... It just came thru my mind earlier so i immediately jat it on my noteboom and dis is what happened. Anyways, sana magenjoy po ang mga magiging mambabasa nito!
BINABASA MO ANG
Akio:The Forgotten Hero
FantasyDate started: February 22, 2019 Date finished: ??? Current cover: @coffeecreameclair Previous cover: @alvarez30McA Check him out, he is awesome! Isang kwentong pawang kathang isip lamang. Ginamitan nang inspirasyon na nanggagaling sa lahat nang akin...