A/N: bago ang lahat, maraming salamat kay @alvares30McA na gumawa ng cover nang aking libro. Kung may oras kayo, basahin ninyo ang kanyang mga likha.
Anyways, ang chapter na ito ay isa rin sa mga flashback para makuha ninyo ang buong takbo nang kwento, yun lang naman. Enjoy!
__________________________________"H-Hero-sama?"
"? A-Anong nangyari?"
"N-Nahimatay po kayo sa labas ng village namin kaya po dinala ko kayo dito sa inn"
"Inn?"
"Opo, Hero-sama... Nandito ka po ngayon sa isang inn na ang ina ko ang nagmamayari"
"Pasensya ka na at naabala ko pa kayo"
"Ayos lang po iyon, Hero-sama... Ikinagagalak ko po na matulungan ang tagapagligtas namin"
Sabi sa akin ng babae na sa tingin ko ay kaedad ni Alfina.
"A-Anong nangyari sa libingan?"
"Libingan? Ah! Yung ginawa niyo po ba iyon sa labas ng village, Hero-sama?"
"Oo, anong nangyari doon?"
"I-Inayos po namin ang libingan..."
"A-Alam niyo ba kung sino ang nakalagay doon?"
"H-Hindi po, Hero-sama... Ibinalot niyo po ito ng tela"
"G-Gusto mo bang malaman kung sino iyon?"
"S-Sino po ba iyon, Hero-sama?"
"Ang bangkay na iyon ay si Alfina... May nagtaksil sa hari at pinamukha sa kanya na ako ang pumatay kay Alfina"
"... Condolence po, Hero-sama..."
"Salamat... At oo nga pala, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"A-Ako po si E-Ellie, Hero-sama..."
"Ellie... Pwede bang huwag na Hero-sama ang itawag mo sa akin? Akio nalang"
"S-Sige po, Akio-sama..."
Habang naguusap kami, bigla nalang tumunog ang tiyan ko.
"G-Gutom na po ba kayo? Tara po, Akio-sama, kumain ka na sa baba"
"Salamat nalang, pero wala akong dalang pera"
"Ayos lang iyon, Akio-sama... Hindi mo na kakailanganing magbayad"
"S-Salamat"
Bumaba na ako at kumain.
END OF FLASHBACK ;~;
Ang buhay ko ay naging mapayapa na nang nagsimula akong namuhay sa village. Naging kami ni Ellie at pinakasalan siya, namuhay kami ng mapayapa. (A/N: Imagine them being a married couple for more than a few decades. And also, Ellie died at her 64th birthday...*sighs* kinda sad?)
Pero, lahat pala ng iyon ay may katapusan.
Kasalukuyang nasa harap ko si Ellie. Siya ay naging isang matandang babae na samantalang ako ay hindi man lang tumanda o nagbago.
"Akio....sam...a"
"Ellie... Maraming Salamat"
"Sal...amat... Akio...sama...."
Iyon na ang mga huling sandali bago tuluyang nawalan ng buhay si Ellie.
"Pasensya na kayo, Ellie at Alfina... Di ko man lang magawang makasama kayo..."
Gumawa ako ng libingan ni Ellie sa tabi ng libingan ni Alfina.
"Alfina, Ellie... Sana maayos na ang lagay niyo..."
Iyon ang mga huling salita na aking sinabi bago umalis.
Umalis ako ng village at kasalukuyang tinatahak ang isang daan papuntang Royal Capital.
"Kailangan kong malaman kung sino ang gumawa ng pagtataksil sa akin dati... Kahit na wala na siya, sisiguraduhin ko na magdudusa ang lahat ng kapamilya niya"
Sinabi ko sa sarili ko at tumakbo ng napakatulin.
Dahil sa bilis ng aking pagtakbo, ang lahat ng punong aking nadadaanan ay natatanggal at lumilipad.
Narating ko rin ang gate ng Royal Capital matapos ang ilang minuto.
"Tigil! Kailangan mo magbayad bago ka makakapasok sa Capital"
"M-Magkano ba?"
"5 coppers para pumasok at 5 coppers ulit para lumabas"
"Okay"
Iniabot ko ang 5 coppers na kinuha ko sa aking bulsa at ibinayad ito sa knight na nagbabantay. Medyo matanda na ito at mukhang isang beterano. Ngayon na nakita ko siya sa malapitan, siya pala yung knight na huli kong kinausap bago ako umalis.
"A-Alfred?"
"B-Bakit mo ako kilala? Sino ka?"
"A-Ah... P-Pasensya na... Pero, mayroon ka bang kilalang nagngangalang Akio?"
"A-Akio?! Ikaw na ba yan?! Parang hindi ka nagbago!"
"Shhh... Wag kang masyadong maingay..."
"P-Pero, bakit hindi ka tumanda?"
"M-Meron kasi akong natuklasang isang potion para hindi ako tumanda"
"P-Potion? M-Mayroon ka bang dalang ganoon ngayon?"
"Pasensya na, pero wala sa ngayon... Hayaan mo, kapag meron, sasabihan kita"
"S-Salamat..."
"Pero, may gusto sana akong itanong sa iyo"
"Ano iyon?"
"Sino ang nagsabi sa hari na ako ay nagtaksil?"
"S-Sa naaalala ko, ang anak ng Duke ang nagsabi nito..."
"Tsk... Siya pala ang may kasalanan..."
Ang anak ng Duke na iyon ay nagngangalang Fred Alsataria. (A/N: corny, right?)
"Sige, maraming salamat"
Sabi ko sa kanya bago umalis. Pero ang ginawa kong pag alis ay isa lamang magic na may kakayahang lokohin ang mata ng tao.
Hinampas ko ang kanyang leeg at kaagad siyang nawalan ng malay.
Dinala ko siya sa isang gubat at doon pinatay.
"Walang dapat makaalam sa sekreto ko"
Bumalik naman ako ng Capital at pumunta muna sa isang inn.
Ang kasalukuyang dala kong pera ay 25 gold coins na ibinigay sa akin ni Ellie bago siya namatay.
Nang pumasok ako sa inn, binati ako ng isang magandang babae na nasa likod ng isang counter.
"Good morning, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Magkano ba ang isang kuwarto dito?"
"Ang isang kuwarto po ay 1 silver per day at may kasama na po itong pagkain"
"Ah... Gaano ba ako katagal na pwedeng tumuloy gamit ang isang gold coin?"
"I-Isang daang araw po, sir"
"Sige"
Nagbayad ako ng isang gold coin. Pagkatapos mo magbayad ay inihatid niya ako sa kuwarto ko.
Nang makarating ay agad kong ibinaba ang aking espada at nagpahinga.
A/N: tamad na ako ih... Baka mag ud ako mamaya nang isa ko pang story... Bye for now!
BINABASA MO ANG
Akio:The Forgotten Hero
FantasiaDate started: February 22, 2019 Date finished: ??? Current cover: @coffeecreameclair Previous cover: @alvarez30McA Check him out, he is awesome! Isang kwentong pawang kathang isip lamang. Ginamitan nang inspirasyon na nanggagaling sa lahat nang akin...