Panlimang Kabanata

774 55 18
                                    

Nagising ako dahil may naririnig ako na boses.

"M-Master... G-Good morning"

Nang dumilat ako, nakita ko na yakap yakap ko si Yuina.

"P-Pasensya ka na Yuina... Hindi ko sinasadya"

"A-Ayos lang po, Master!"

"O-Okay"

Umalis na ako sa kama at tumayo.

"Master, thank you"

"Um... Bakit ka nagpapasalamat sa akin?"

"D-Dahil ginamit mo ko bilang b-body pillow mo"

"Eh? Bakit ka nagpapasalamat dahil doon?"

"Um... Kasi... G-Ginamit mo po ako Master"

"Okay... Bago ang lahat, magbihis ka muna sa banyo bago ka pumunta sa baba at kakain tayo"

"O-Okay po"

Umalis na ako at iniwan si Yuina sa kuwarto.

Pumunta na ako sa dining area at umupo sa isang table.

Habang naghihintay, nakinig ako sa mga naguusap sa mga katabing mesa.

"Narinig niyo na ba ang balita? Tataasan daw ng Duke ang buwis sa mga maliliit na village" (Random guy 1

"Oo nga... Masyado na nilang pinahihirapan ang mga maliliit na village" (Random guy 2)

Tsk. Dapat talaga makita ko na yang Duke na yan...

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Yuina.

"M-Master? Ayos ka lang ba, Master?"

"?! Ah... Eh... Oo, ayos lang ako"

"Um, pwede po ba akong umupo, Master?"

"Oo, umupo ka"

"Salamat po, Master"

"Walang anuman"

Dumating si Miyo na dala ang pagkain namin.

"Sige na, kumain ka na"

"O-Opo, Master"

Kumain na kaming dalawa.

Nang matapos kumain, lumabas kami nang inn at pumunta sa isang tindahan ng nga weapons.

"Welcome! Anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

Isang bata na medyo dark brown ang balat ang bumati sa amin.

"Um... Ikaw ba ang may-ari nitong blacksmith shop?"

"Hindi... Papa ko ang may-ari nito"

"Ah... Okay, sige... Titingin muna kami nang mga nakadisplay na weapons"

"Ahhh... Sige po!"

Naglibot naman kami sa loob nang shop.

Habang naglilibot, may napansin akong isang espada na napaka familiar na nakalagay kasama nang mga parang reject na weapon.

"Um, anong klaseng espada ito?"

Tinanong ko ang batang babae kanina.

"Sandali lang po!"

Sabi niya bago pumasok sa workshop.

"Papa, may gusto itanong yung customer!"

"Sige sige.... Ano po ba iyon?"

"Eto po, gusto ko lang itanong kung anong klaseng espada ito"

"Ack... Y-Yan po ang espada nang dating hero... Itatapon ko na sana yan dahil sa tinagal nang panahon, hindi naman nabebenta... Hindi ko rin matunaw ang bakal at magawa bilang bagong espada"

"Ah... Magkano ba ito?"

"L-Libre nalang po... Hindi rin naman kasi yan magagamit"

"Sige... Salamat... Kapag may pera na ako, bibili ako dito sa shop niyo"

"S-Sige, sir... Balik po kayo!"

Umalis na ako sa shop at pumunta sa guild.

Pero bago ako pumunta, sinubukan ko munang gamitin ang espada.

Isa itong simpleng katana, at kapag nakalagay ito sa scabbard nito ay mukha lamang itong simpleng kahoy.

Nang makumpirma ko na ito nga ang ginamit ko noon, di ko mapigilang matuwa dahil bumalik na ang aking lakas na katulad nang dati.







A/N: try to imagine meliodas when his powers were sealed then he got back his powers but at this story, almost half of his power were sealed in the sword. That's all i want to explain, Salamat!

Akio:The Forgotten HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon