Panlabingsiyam na Kabanata

651 42 25
                                    

Nagising ako nang dahil sa mga katok sa pintuan.

"Akio-san? Nandyan ka ba sa loob?"

"Ella? Ikaw ba yan?"

"O-Opo, Akio-san"

"Sige, pumasok ka na"

"Okay po"

Pumasok naman si Ella.

"A-Akio-san?! S-Sino sila?!"

Itinuro niya naman angga babae na nasa likuran at kasalukuyang natutulog.

"H-Huwag mo nalang silang pansinin..."

"P-Pero!"

"Please... Mahirap na, kapag masama ka pa sa kung anong bagay"

"P-Pero, Akio-san... Hindi ba, si prinsesa Raphaela iyon?!"

"Ah..."

Bigla namang bumangon si Yuina at lumapit sa akin.

"R-Raphaela-hime!"

"Akio-sama... Anong nangyayari dito?"

"Well... Hindi ko rin sigurado..."

"Akio-san, bakit niyo po kasama ang prinsesa?"

"Dahil-" (Akio)

"Slave niya ako" (Raphaela)

"Eh?! S-Slave?! P-Pero po, Raph-"

"Huwag na iyan ang itawag mo sa akin... Yuina nalang"

"M-Masusunod po, Yuina-hime!"

"Ayos na iyan... Oo nga pala, bakit mo pinupuntahan si Akio-sama? May gusto ka ba sa kanya?" (Yuina)

Nang itinanong sa kanya iyon ni Yuina, kaagad na namula ang mukha ni Ella at kaagad na itinanggi ito.

"P-Pumunta ako d-dito dahil may balita na ako tungkol sa dinalang items ni Akio-san"

"Ah... Yung galing doon sa tower?"

"Opo... At napatunayan na po na iyon ay totoo... Para po makuha na ang reward, sumama po kayo sa akin sa guild"

"Sige... Yuina, sabihan mo nalang ang iba na maghintay sa akin at babalik rin ako kaagad, at kung magutom kayo, may pera akong iniwan sa gilid nang kama, iyon nalang muna ang gamitin niyo pangkain"

"O-Okay po, Akio-sama... Magiingat kayo"

"Salamat, Yuina"

Sumama na ako kay Ella at naglakad kami papuntang guild.

"Ella"

"B-Bakit po, Akio-san?!"

"Ano... Itatanong ko lang sana kung magkano ba ang halaga nang lahat nang items?"

"N-Nung umalis po kasi ako, hindi pa nila natatapos itotal ang halaga, pero, baka tapos na sila ngayon"

"Ah... Okay, salamat nalang"

"W-Walang anuman po, Akio-san"

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang narating na namin ang Guild.

"Akio-san, dito po"

Itinuro niya ang isang room, at naglakad papunta doon. Sinundan ko naman siya at pumasok kami pareho.

Pagkapasok, may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa couch at nagsisigarilyo. Mayroon siyang malaking peklat sa mukha na parang kalmot. Mukha siyang isang beteranong adventurer.

"Nandito na po kami, Guildmaster"

Kaya naman pala ganoon ang impression ko sa kanya, siya pala ang Guildmaster.

"Now... Ikaw ba si Akio?"

"Ako nga"

"Ikaw ba ang nagdala nang lahat nang gamit galing sa tower na nakalagay sa request?"

"Ako nga"

Tinignan niya ako nang may pagaalinlangan, pero, parang sumuko siya dahil umiling nalang siya at nagsalita.

"Okay... Ang total amount ay 2500 gold coins"

"Pwede ko na ba iyang makuha ngayon?"

"Pwede naman... Kay Ella mo nalang kunin mamaya"

"Eh?" (Ella)

"Ella, lumabas ka muna at maguusap pa kami"

"M-Masusunod po!"

Agad namang lumabas si Ella nang kuwarto.

"Sabihin mo sa akin, ano ang pakay mo dito sa kingdom at kinailangan mo pang gamitin ang pangalan nang dating hero?"

"Dating hero? Eh di ba, traydor ang tawag nila sa hero?"

"Hinding hindi ko tatawagin ang nagligtas sa amin nang ganyan... At alam ko rin na hindi ang hero na iyon ang may kasalanan kung bakut namatay ang prinsesa ng kabilang kingdom..."

"Ako... Ako si Akio, ang dating hero"

"P-Pero, kung ikaw nga iyon, bakit hindi ka man lang nagbago?"

"Basta, mahabang kwento... Oo nga pala, bakit mo sinabing nagligtas? Kelan ko iyon ginawa?"

"Noong kinalaban mo ang dating demon lord, may isang High Ranking demon ang papunta dito sa kingdom at nang malapit na ito, bigla nalang itong nahati sa dalawa at nahulog sa labas nang kingdom"

Teka... Nahati? Ah! Yun ata yung hindi tumama yung espada ko sa Demon King.

"Parang hindi naman ata gaoon iyon"

"N-Naaalala ko pa iyon! Hindi maaaring magkamali ang mga mata ko!"

"Ang totoo niyan, aksidenteng napatay ko lang iyon"

"Eh? A-Aksidente?"

"Oo... Ang sa pagkakaalala ko ay maraming namatay ng dahil sa laban namin noon..."

"Ah... Pero, Akio-dono, pwede ba akong humingi nang tulong sa iyo?"

"Tungkol naman saan?"

"Noong nakaraang araw, nagkalat na ang mga slaves dito sa kingdom namin... Gusto ko lang sana malaman kung sino ang nangingidnap ng mga demihumans at binebenta ito dito sa kingdom... Magbibigay ako nang karamoatang pabuya kapag natapos mo na ito"

"Hm... Sige, ibigay mo sa akin ang mga detalyeng nakuha nyo"

Agad niya namang sinabi sa akin ang lahat nang nakalap nilang detalye. Pagkatapos, kinuha ko na ang reward sa mesa ni Ella at bumalik na sa inn.








Too lazy to leave a note :'(

Akio:The Forgotten HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon