Gabi na nang nagising ako.
Nang magising ako, bumaba ako galing sa kuwarto at pumunta sa dining area nang inn.
"G-Good evening, kakain na po ba kayo?"
Tinanong ako ng babae na nakilala ko kanina.
"Ah, oo... Ano nga pala... Ano ba ang pangalan mo?"
"M-Miyo po... Kayo po, anong pangalan niyo"
"A..."
"A? Ano pong A?"
"Akio"
"Akio... Kapangalan niyo po pala ang hero..."
"Ah... Eh, oo... Oo nga pala, diba itinuring na nilang traydor ang hero?"
"Opo... Bakit po?"
"W-Wala"
"Sige po... Kukunin ko lang ang pagkain ninyo"
Pumunta na siya sa loob ng kusina at bumalik na may dala dalang isang tray nang pagkain.
"Eto na po ang pagkain niyo, Akio-san... Sana po magustuhan niyo!"
Sinabi niya habang nakangiti.
"S-Salamat"
Kumain na ako.
Ang sarap! Napakasarap!
Agad kong inubos ang pagkain na dinala ni Miyo at humingi pa ng seconds.
Siyempre, nagbayad ako sa mga sumunod na kinain ko dahil ang first meal lang ang kasama sa binayaran ko.
"Fuu~ Ang sarap... Ikaw ba ang nagluto nito, Miyo?"
"S-Si mama ang nagluto pero tumulong ako!"
"Ahh.... Mamayang agahan kakain ako ulit"
"Sige po, Akio-san"
Umalis na ako at naglakad lakad sa labas.
Mapapansin na masyadong puno ng buhay ang kalye tuwing gabi.
Habang naglalakad, may nakita akong isang building na may sword at shield na sign kaya pumasok ako dito.
"Welcome, ano po ang maitutulong ko?"
Tanong sa akin nang isang babae na nakasuot ng damit na parang pang waitress.
"Um... G-Gusto ko sana magparegister bilang isang adventurer"
"G-Ganoon po ba? Sige po, pakipunuan na lang po itong form nang mga kinakailangang impormasyon"
"Sige, salamat"
Agad ko naman nilagyan ito ng mga impormasyon na hinihingi.
Nang natapos ko ito ay pumunta ako sa counter kung nasaan ang babae kanina at iniabot ito sa kanya.
"Complete na po ang first process, Akio-san... Bago ka po maging isang certified adventurer, kailangan mo munang dumaan sa physical fitness test"
"Ahhh... Okay, sige. Saan ba yan kailangang gawin?"
"Sumunod ka po"
Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa isang malawak na lugar kung saan may mga taong nagtutunggalian gamit ang iba't ibang mga weapons.
"Oo nga pala... Anong pangalan mo?"
"M-Marie po, Akio-san"
"Ah...okay"
May tinawag na pangalan si Marie. Nang gawin niya iyon, may isang higanteng lalaki ang lumapit sa aming kinalalagyan.
"Bakit mo ako tinawag?"
BINABASA MO ANG
Akio:The Forgotten Hero
FantasíaDate started: February 22, 2019 Date finished: ??? Current cover: @coffeecreameclair Previous cover: @alvarez30McA Check him out, he is awesome! Isang kwentong pawang kathang isip lamang. Ginamitan nang inspirasyon na nanggagaling sa lahat nang akin...